• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria and Richard Yap admit they are in awe of their show's unexpected success

Jodi Sta. Maria and Richard Yap admit they are in awe of their show's unexpected success

Jodi Sta. Maria and Richard Yap still feel overwhelmed by the success of 'Be Careful with My Heart.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/13/2013 10:55 AM
Jodi Sta. Maria and Richard Yap admit they are in awe of their show's unexpected success


031313-jodirichard_main.jpgMuling nagbigay ng pasasalamat sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa sunod-sunod na pagkilalang natatanggap ng programang Be Careful with My Heart. Maliban sa pagtanggap bilang Best Ensemble Performance in a TV series mula sa 11th Gawad Tanglaw ay kakapanalo pa lang ng show bilang Best Daily Local Soap Opera sa nakarang 9th USTv Students’ Choice Awards. “Siguro it only goes to show na marami ang nagmamahal at sumusuporta dun sa show and marami din talagang nakaka-appreciate at napapakita namin ang mensahe na gusto naming iparating at maging good vibes at positive lang sa buhay,” paliwanag ni Jodi.

Maging si Richard na mas kilala bilang si Sir Chief hanggang ngayon ay hindi rin makapaniwala sa naabot na tagumpay ng kanilang serye. “Hindi talaga namin expected ito. Sobrang daming blessings na dumating and we are very thankful to ABS-CBN and to the Lord up above at sa lahat ng sumsuporta, to the fans and the press, everything.”

At maging si Jodi na aminadong ngayon lang nakaranas ng ganito kalaking tagumpay ay hindi rin makapaniwala sa lakas ng suportang natatanggap ng kanilang programa. “Iba sa pakiramdam kasi ngayon lang naman nangyari sa akin ito sa ilang years ko sa showbiz and I am really grateful and number one nagpapsalamat ako sa Panginoon dahil sa lahat ng ibinigay niya.

At sa first kiss ng kanilang mga karakter na kapapalabas pa lamang, ibinahagi ni Jodi na hindi lang ang mga manonood ang kinilig at nagtilian sa eksenang ito, maging ang mga tao sa likod ng camera na mismong gumawa ng istorya ay hindi rin mapigilan ang kilig na nararamdaman sa kanilang mga karakter bilang Maya at Sir Chief. Kwento ni Richard, “The prom night is an exciting night for me and Maya.” Dagdag pa ni Jodi, “Kasi sila na nga na nagsulat, at nung pinanood nila yung rushes, kinilig pa rin sila.”

Hindi na nga nakaligtas pa si Jodi sa tanong ng ilang press kung makakasama niya ba ang napapabalitang kasintahan niyang si Jolo Revilla ngayong Holy Week ngunit agad itong sinagot ni Jodi ng, “We won’t be here sa Holy Week kasi we will be having our World Tour.” Magkakaroon ng World Tour ang buong cast ng Be Careful with my Heart at sa Holy Week ay nasa Abu Dhabi at Hawaii sila.

At nang tinanong siya kung makakasama si Jolo sa kanilang world tour, “No, hindi busy siya.” Kaya naman nang magkatuksuhan na sa layo nila sa isa’t isa, napahagikgik na lang ang aktres, “Ayun, napa-smile na lang ako.”