• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on Kim Chiu: 'Sana ma-realize niya na andito ako bilang totoong kaibigan.'

Maja Salvador on Kim Chiu: 'Sana ma-realize niya na andito ako bilang totoong kaibigan.'

The actress explains that like in the past, she is just waiting for Kim Chiu to be ready to be friends again.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

3/10/2013 11:48 PM
Maja Salvador on Kim Chiu: 'Sana ma-realize niya na andito ako bilang totoong kaibigan.'


031113-maja_main.jpgIsang panayam kay Maja Salvador ang ipinalabas nitong linggo sa The Buzz na may courtesy ng Cinemanews, hinggil sa nali-link sa kanyang si Gerald Anderson at ang dating kaibigang si Kim Chiu. 

Sa nasabing interview, nagbigay ng pahayag si Maja sa napapabalitang isyung “heartbreaker” umano si Gerald. Sinagot naman ito ng dalaga at sinabi na noong una ay ganito rin ang tingin niya sa aktor. 

Kasi ganun din naman ‘yung tingin ko sa kanya dati, nung mga panahong di ko pa siya kilala. Pero siguro once na makilala mo (si Gerald)… siguro naman di talaga natin maiiwasan na makapagsalita ka o kaya makapag-isip ka ng di maganda sa isang tao,” lahad ng dalaga. “Lalo na kapag may mga nagsasabi sa ‘yo.” 

Kung siya raw ang magsasalita, marahil marami ang magsasabing ipinagtatanggol ni Maja si Gerald dahil nanliligaw ang binata. “Sa nakikita ko parang si Gerald napaka-gentleman na tao. Siguro kaya sabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Kaya maraming nagagalit sa ‘yo (kasi) napakabait mo, sobrang gentleman.’”

Sa kabila ng mga bumabatikos sa kanila, proud si Maja na sinusuportahan siya ni Gerald. “Hindi ko ‘yon hiniling sa kanya pero andyan siya, andyan siya lagi,” paliwanag ni Maja. 

Pagdating naman kay Kim, mas pinipili umano niya ang daan tungo sa kapayapaan at para hindi na lang lumala pa ang sitwasyon, mananahimik na lang siya. Sa tingin daw kasi ni Maja, kung magsasalita pa siya ay posibleng lalong mas maging kumplikado ang sitwasyon dahil dadami lalo ang bersyon ng mga kwento. 

Ayoko nang i-defend ang sarili ko. Basta ako alam ko na alam niya na naging totoo akong kaibigan at hanggang ngayon andito pa rin ako,” ani Maja. 

Sinubukan daw ni Maja na mag-reach out kay Kim subalit marahil hindi pa ito ang tamang oras. 

“Naghihintay lang ako… naghihintay lang ako kasi kelan lang naman ako tumigil na mag-effort,” pag-amin ni Maja. “Kahit na anong mangyari kaibigan pa rin niya ako. Ang pagkakaibigan (dapat) nagkakaintindihan, pero andito lang kami sa lugar ngayon, sa sitwasyon ngayon kung saan na kailangan naming pagdaanan. Di ko man maibalik ‘yung friendship na kung anuman meron kami, pero sana in time ma-realize niya, ng lahat na andito ako bilang totoong kaibigan.” 

Sinubukang kunan ng reaksyon si Maja hinggil sa napapabalitang nagiging totohanan umano ang komprontasyon nila ni Kim sa kanilang teleserye, ang Ina Kapatid Anak subalit mas pinili ni Maja na huwag na  lang magdetalye. 

Ayoko na lang palakihin, hangga’t maaari ayokong… di siya karapat-dapat siraan dahil kaibigan ko siya.”