• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga says she is content with her career and love life right now

Toni Gonzaga says she is content with her career and love life right now

Toni Gonzaga says she believes being content with what you have is the key to happinesss.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/1/2013 10:40 AM
Toni Gonzaga says she is content with her career and love life right now


030113-toni_main.jpgFifth placer ang kantang “Kahit Na” ni Toni Gonzaga sa Himig Handog P-pop Finals Night 2013. Nang kinamusta ng Push.com.ph si Toni sa kabuuan ng karanasan niyang ito, aniya, “Nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko graduate na ako sa ganitong feeling. Parang nagsisimula ulit akong artista e kasi dito ako nagsimula, sa ganito, sa mga pagsali-sali sa ganitong mga singing competition. Although I know that this is not a singing competition, pero alam mo yung pakiramdam na you are competing against Angeline (Quinto), kay Erik Santos na mga grand champions. Although we know that it is a songwriting competition, iba pa rin ang mahilera na kasama sila.

Dagdag pa niya sa tagumpay ng kantang ito, “I think it’s a beautiful collaboration talaga. Hindi ko rin naman maiinterpret ng maganda yun kung hindi rin maganda yung awitin. Nagkataon lang na nagtugma na nag-swak. Tuwang-tuwa nga ako nung na-assign sa akin ito. Basta ang sabi sa akin just put a little of your personality on the song then okay na yun.” 

Hindi man nakuha nina Toni at ng composer ng kanta na si Julius James de Belen ang grand prize, para sa kanya, “In every competition naman, especially this songwriting competition, hindi maiiwasan na may magwawagi at may papalarin. I think the most important thing is we are able to support OPM at muli nating binuhay at we are really, really thankful to interpret a beautiful song like ‘Kahit Na’ alongside with the beautiful singers and composers na nagsama-sama.

Kinumpirma din ni Toni na gagawa siya ng teleserye. “I don’t know if it’s slated this year, but it is part of the contract na gagawa [ng teleserye].” At sa kanyang pagbabalik-serye, “Masaya kasi hindi naman talaga siya yung forte mo, hindi siya yung ginagawa mo and yun kapag nangyari yun I am really looking forward [to it].” Nagpatikim na rin si Toni ng kung ano ang aabangan ng mga manonood sa kanyang pinakabagong proyekto. “Mas nacha-challenge na siguro ako, mas akma na sa edad, sa pinagdaanan, sa pinanggalingan.

Maging sa pelikula ay kumpirmadong gagawa at may nakalinya ng proyekto si Toni. “Meron kaming gagawin this year, dalawa. Isang powerhouse cast saka isang bagong leading man.” At kinumpirma din niyang tuloy ang pelikula nila nina Angelica Panganiban, Angel Locsin at Bea Alonzo, “Matutuloy yun. Definitely, this year.”

At sa buhay pag-ibig naman ni Toni, masayang-masaya pa rin siya sa piling ng kanyang boyfriend, ang TV and film director na si Paul Soriano. Hindi man regular ang kanilang pagkikita, wala siyang anumang kaba o pangambang nararamdaman. Aniya, “Hindi naman. Basta we make sure na once a week maka-quota ng pagkikita. Sabi ko naman we have a lifetime to be together if God permits us to get married so we are just enjoying each other’s work right now at kung anuman ang mga opportunities na dumarating sa isa’t isa we are definitely supporting each other.”

Nadawit man sa maraming isyu ang kanilang relasyon, hindi kailanman nawala ang tiwala ni Toni sa karelasyon. “Hindi naman yun talaga nawala ever since, walang binigay na reason ever since para mag-doubt.” Dagdag pa niya, “Hindi kasi may intuition naman ang babae at kapag naramdaman ko na yun… hindi natin masasabi pero sa ngayon we are praying that everything will go well.” 

Sa ganda ng takbo ng personal na buhay at karera ni Toni Gonzaga, mayroon pa ba siyang mahihiling? “Ano na lang siguro this year I have realized na yung secret to being happy is being content with what you have and appreciate what you have so whatever it is that what I have I am appreciating it.”