• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu talks about her reaction to Xian Lim 's surprise Valentine date

Kim Chiu talks about her reaction to Xian Lim 's surprise Valentine date

Kim Chiu reveals details of Xian Lim's unexpected Valentine date

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/2/2013 12:37 AM
Kim Chiu talks about her reaction to Xian Lim 's surprise Valentine date


030313-kimxi-main.jpgMalaki ang pasasalamat ni Kim Chiu sa taas ng ratings ng kanyang teleseryeng Ina Kapatid Anak. “Masaya and nagpapasalamat kasi dahil sa ratings mas na-inspire kami magtrabaho. At ang lakas ng pakiramdam na sa lahat ng hirap mo e maganda sa iyo ang response ng tao.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noong nakaraang Valentine’s Day ay sinorpresa ni Xian Lim ang ka-love team na si Kim sa isang yacht date sa Subic. Nang hingan ng Push.com.ph ng reaksiyon ang dalaga sa ginawang ito ni Xian, “Siyempre nakakatuwa, kahit naman ikaw. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa lahat? Siyempre nagpapasalamat din ako sa lahat kasi may ganun pa palang klaseng tao na hindi siya napapagod na iparamdam sa iyo ang lahat-lahat. Hindi yung ayaw niya nang magtiyaga. Kasi karamihan ngayon hindi na matiyaga o sige huwag na nga. iba na lang, ganun e. So ito nakakatuwa at nagpapasalamat ako dahil dumating sa akin yung ganito.”

Marami rin ang nagtataka kung paano nagkaroon ng ideya si Xian na isang date sa yacht ang gawing sorpresa sa kanya. “Mahilig talaga ako sa Subic, dun talaga ako. Yung iba Tagaytay, di ba Tagaytay-Subic lang yan? Sa Subic talaga ako, parang bahay ko na ganun, tapos sabi niya, ‘Anong meron sa Subic?’ [Sabi ko,] ‘Marami. May kabayo, may yacht.’ Eh matagal niya na yun [natanong] tapos yun nangyari siya.”

Dagdag pa ni Kim, “Actually nandun na kami e. Sabi niya, ‘Nasaan ka?’ Sabi ko, ‘Magsu-Subic kami.’ Tapos nung nandun kami, may pictorial daw siya. Tapos sabi ko, ‘Ah talaga? Okay, sige.’ Tapos maya-maya, sabi niya, ‘Punta ka dito. May shoot ako.’ Tapos sabi ko, ‘Nge, nakakahiya.’ Tapos sabi niya,  ‘Tignan mo lang.’ Tapos pumunta kami ng mga kapatid ko, tapos yung isang pamangkin ko, tapos nung pumunta kami yun na. Bale kinausap niya yung ate ko kung nasaan kami ganyan.”

Marami ang kinilig nang malaman ang ginawang ito ni Xian. Marami tuloy ang nagtanong kung ano na ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa. “Saka na lang yun, saka na lang yan. Basta masaya ako and ano, wala akong masagot. Basta nagpapasalamat ako na may ganun.”

Isa pa rin sa malaking isyu ngayon ay ang pagwawakas ng pagkakaibigan nila ni Maja Salvador dahil kay Gerald Anderson. Magkasama ang dalawa sa iisang teleserye pero ipinaliwanag ni Kim kung paano niya nahihiwalay ang personal na buhay sa trabaho. Aniya, “Kung isasali ko yung personal na buhay sa trabaho, wala na yung trabaho ko ngayon, sira na yun. Siyempre kung sasalihian mo ng personal life yung trabaho mo, wala talaga e. Kailangan kalimutan mo muna yun kung gusto mo yung ginagawa mo. Saka na yun pag-uwi na lang sa bahay, paglabas na ulit ng bahay trabaho ako ulit.”