• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo is saddened by the sudden end of 'Sarah G Live'

Sarah Geronimo is saddened by the sudden end of 'Sarah G Live'

Sarah Geronimo says her variety show helped her improve as an artist; adds that she will miss her colleagues in the show.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/8/2013 8:39 PM
Sarah Geronimo is saddened by the sudden end of 'Sarah G Live'


020913-sarah_main.jpgInamin ni Pop Star Princess Sarah Geronimo na nalungkot siya sa biglaang pagtatapos ng kanyang musical weekly show na Sarah G Live.

Nakatakda ang huling episode ng show sa darating na Linggo (February 10).

Sa pictorial ni Geronimo nitong Huwebes (February 7), inamin niyang mami-miss niya ang mga nakasama at nakatrabaho sa kanyang show.

"May lungkot siyempre kasi espesyal sa akin ang show. Nag-grow din ako as an artist, as a person, sa show na 'yon at napamahal sa akin ang 'Sarah G Live' family. Pero kailangang mag-move forward. Sabi ko nga po, as a performer, ang importante ay magkaroon po ng pagkakataon na may maipakitang bago every time you go up on stage," ani Sarah.

Hindi naman malulungkot ang mga tagahanga ni Sarah dahil hindi din tatagal ang kanyang pahinga at muli siyang makikita sa telebisyon bilang isa sa mga hurado ng The Voice of The Philippines.

Maliban sa pagiging parte ng bagong singing competition, busy din si Sarah sa ikatlong pelikula niya kasama si John Lloyd Cruz.

Ang It Takes A Man And A Woman ang ikatlo at huling franchise ng A Very Special Love films ng Star Cinema.