• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says 'Kailangan Ko'y Ikaw' will be her last teleserye

Kris Aquino says 'Kailangan Ko'y Ikaw' will be her last teleserye

Far from retiring from show business, Kris Aquino clarifies that she just wants to focus on what she does best.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/8/2013 8:41 PM
Kris Aquino says 'Kailangan Ko'y Ikaw' will be her last teleserye


020913-kris_main.jpgSinabi ni Kris Aquino na ang kanyang hit soap na Kailangan Ko'y Ikaw kasama si Anne Curtis at Robin Padilla ang magiging huling serye niya.

Sa kanyang official Twitter account, sinabi ni Kris na magiging huling acting project niya sa telebisyon ang Kailangan Ko'y Ikaw.

"Thanks but last na ang [Kailangan Ko'y Ikaw]," ani Kris sa kanyang follower na pinapurihan ang galing niya sa pag-arte.]

Iginiit ni Kris, wala siyang plano na magretiro sa show business lalo't marami pang nakalinyang proyekto sa kanya.

"I’m not retiring, just prioritizing. It was my dream to become an actress but my talent isn’t in becoming a character, but just being me," ani Kris.

Maliban sa kanyang serye, araw-araw ding nakakasama ng mga Filipino si Kris sa kanyang morning show na KrisTV.

Magbabalik din si Kris bilang isa sa tatlong hurado ng season four ng Pilipinas Got Talent (PGT).

"Kris Tv remains strong & is an excellent venue for us to connect, PGT4 will start Feb 16 already & they r so optimistic because it is fresh," ayon kay Kris.

Ayon pa kay Kris magkakaroon muli siya ng bagong show.

"There’s a new show in the horizon & I know u will enjoy that because u keep telling me u miss me in that format. Things do fall into place," dagdag ng Queen of All Media.