• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on 'The Voice of The Philippines': 'Inimbitahan po ako at masama naman pong tanggihan

Sarah Geronimo on 'The Voice of The Philippines': 'Inimbitahan po ako at masama naman pong tanggihan

The Popstar Princess says she's ready to take on the challenge of being a coach in the world-renowned reality talent show.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/7/2013 5:12 PM
Sarah Geronimo on 'The Voice of The Philippines': 'Inimbitahan po ako at masama naman pong tanggihan


020713-sarah_main.jpgExcited si Pop Star Princess Sarah Geronimo sa kanyang bagong project bilang isa sa coaches o mentors ng inaabangang singing competition na The Voice of The Philippines. Hango ito sa isang American reality talent show na may iba’t ibang bersyon sa buong mundo. 

Sa pictorial ni Sarah para sa nasabing show nitong Huwebes, Pebrero 7, inamin ni Sarah na isang malaking hamon para sa kanya ang maging parte ng bagong show.

"Sobrang honored po to be chosen as one of the coaches or judges for The Voice. Siyempre, initially na-surprised ako, kumbaga malaking task or responsibility itong pagiging mentor, pero I take the challenge," ani Sarah.

"Alam ko na maggo-grow din ako dito. Isang malaking karangalan na maging parte o bahagi ng success kung sinuman ang magiging The Voice of the Philippines (grand winner)," dagdag ng singer.

Pag-amin ni Sarah, batid din niya ang komento ng iilan na masyado pa siyang bata para maging mentor. Pero ani Sarah, ang importante ay ang pagiging tapat niya para maibahagi ang alam niya sa larangan ng pag-awit.

"Huwag po kayong mag-alala iniisip ko din po 'yon. Pero inimbitahan po ako at masama naman pong tanggihan. Ang importante diyan ay 'yung sincerity ko na makatulong o maibahagi ang alam ko sa pagkanta at pagpe-perform," aniya. 

Ayon pa kay Sarah, makaka-relate siya sa mga aspiring singers ng show lalo't naranasan din niya ang sumali sa mga singing competitions.