• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao confesses he plans to court Miles Ocampo when she turns 18

Marco Gumabao confesses he plans to court Miles Ocampo when she turns 18

Marco Gumabao says he wants to get to know Miles Ocampo more before taking the next step.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/7/2013 10:20 AM
Marco Gumabao confesses he plans to court Miles Ocampo when she turns 18


020713-milesmarco_main.jpgSa panayam ng Push.com.ph kina Marco Gumabao at Miles Ocampo sa unang taon ng selebrasyon ng programang Luv U, malaki ang kanilang pasasalamat sa mga nanonood at sumusuporta sa show. “Hindi namin inexpect na tatagal kami. Kasi akala namin one season lang kami, tapos nadagdagan pa kami ng isang season, season two. At sobrang tuwang-tuwa na kami at sumunod pa ng sumunod. At ngayon nasa season five na kami so very thankful kami sa mga fans na sumusuporta sa amin at sa mga nanonood sa amin,” ani Marco.

Dagdag pa ni Miles, “Kasi nung una po hindi naman po namin alam kung anong magiging reaction ng tao. Kaya masaya po kami na nakaabot po kami ng one year.”

Kaya naman sa loob ng isang taon, mas napalapit at mas nagkakilanlan ang isa’t isa. Kwento ni Marco, “Mas naging close kami and every time na nagkakasama kami, mas nagiging close pa kami. Everyday may bago kaming natututunan sa isa’t isa.” Kaya naman nang matanong siya kung pati ba damdamin niya para kay Miles ay may nagbago na higit pa sa pagiging close na magkaibigan, ang sagot na ikinagulat kahit ni Miles, “Ngayon kami ni Miles focused sa work. And si Miles fifteen pa lang so parang gusto namin, ako personally, hinihintay na lang na mag-eighteen siguro para nasa mature na pag-iisip ka na. At ayaw naming mag-rush ng things kasi kung nag-rush ka, baka bigla na lang magkakaproblema so kikilalanin ko muna si Miles ng mas maigi.

At ang reaksiyon ni Miles dito, “Tagal ng three years ha, hahaha… Charot lang! Nakakaloka. Siyempre po nakakatuwa, saka si Marco naman kasi maalaga, saka nakikita ko pong marespeto sa katrabaho niya kaya nakakatuwa.”

Ngunit binawi din ni Marco ang kanyang sinabi, “Hindi naman kailangan na 18. Siguro naman kung alam mo nang kaya na at ready na ang isa’t isa.” Kaya naman nang tinanong ng Push si Marco kung sa palagay niya ba ay hindi pa handa si Miles, “Hindi lang naman si Miles, ako pa rin naman hindi pa ako ready.” At sa tanong ng Push sa binata kung ano ang nagustuhan niya kay Miles, “Mabait kasi si Miles, maalaga din siya saka helpful din siya. Since bago din ako sa showbiz tinutulungan niya ako sa mga tips kung paano umarte so hindi niya ako pinabayaan.

Nang tinanong ng Push si Miles kung ano ang nagustuhan niya kay Marco, “Si Marco kasi hindi namin alam kung paano kami magkakaroon ng kilig na eksena. Kasi nung unang kita namin hindi kami nag-uusap talaga so kahit yung titigan namin walang emosyon. So kapag may mga eksenang malapit dapat kami sa isa’t-isa, naninigas talaga ako. So ngayon masaya ako na habang tumatagal mas nagiging kumportable kami sa isa’t-isa. Saka ‘pag may kilig na eksena parang natural na lang siya. Kaya kapag may eksena mas parang nafi-feel mo na at enjoy lang. Work tapos konting kilig kilig lang kaya yun mas nakakatuwa.” 

Maraming maaring mangyari sa tatlong taon, kaya naman nang matanong ng Push na paano kung may biglang magpakita ng interes at manligaw kay Miles, ang agad na sagot ng binata, “Ay na kay Miles na yun. Dapat sarado yung pintuan ‘di ba? Seryoso ako.” At ang agad na sagot ni Miles dito, “Hindi siyempre, kasi ako din po personally wala pa rin naman sa plano ko ang magka-boyfriend. Pwede yung kilig-kilig kasi siyempre sa buhay masayang kiligin, yun ang inpirasyon natin sa buhay so ayun, hanggang kilig-kilig na lang po muna tayo ngayon.” 

At sa tanong na si Marco ba ang rason na kinikilg siya, “Oo naman po.”