• Home
  • Fresh Scoops
  • Desiree del Valle, Kaye Abad, and Jodi Sta. Maria talk about friendship and love

Desiree del Valle, Kaye Abad, and Jodi Sta. Maria talk about friendship and love

Desiree del Valle, Kaye Abad, and Jodi Sta. Maria open up about their perception of friendship and falling in love.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/6/2013 11:00 AM
Desiree del Valle, Kaye Abad, and Jodi Sta. Maria talk about friendship and love


020613-jodikayedes_main.jpgSa isang pambihirang pagkakataon, muling napagsama-sama sa isang panayam ang mga bida ng hit youth-oriented Sunday afternoon show na Tabing Ilog na sina Desiree del Valle, Kaye Abad at Jodi Sta. Maria. Napag-usapan ang kanilang nabuong pagkakaibigan at pati ang mga namuong pag-iibigan.

Kwento nina Des, Kaye at Jodi na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa dressing room kung saan sila laging magkasama tuwing may taping. Ayon kay Jodi, “Later on habang tumatagal yung show, mas nagiging close kami, that’s when we started opening up sa personal na bagay.” Hanggang sa naging totohanan na rin ang pagtitinginan ng magkaka-love team na sina Desiree at Paolo Contis, Jodi at Baron Geisler, Kaye at John Lloyd Cruz.

At nang matapos ang programa, kailanman ay hindi pumasok ang takot sa tatlo na maaring magkaposibilidad na matapos na ang kanilang pagkakaibigan dahil may kanya-kanya na rin silang pagkakaabalahan. Ayon kay Desiree, “Ako di ako natakot. Iba pinagsamahan namin sa Ilog e. You cannot just forget five years of being together just like that. After Ilog, Jodi was the one who planned a dinner for everybody. Ilang years it ran like that na meron kaming reunion.”

Dagdag pa ni Jodi, “Nagdalaga kami at nagbinata ng sama-sama. Ang dami naming memories and moments na shinare together. Kapag nagkikita kita kami ganito kami kakulit. O kahit di kami nagkikita we know in our hearts na magkakaibigan kami.”

Sa pinagdaanan ng tatlo sa larangan ng pag-ibig, isa ang sigurado sila, na hindi nawala kailanman ang kanilang tiwala na makatagpo ng tunay na pagmamahal. Sa ngayon ay nasa relasyon si Desiree sa Aryana co-star niya na si Boom Labrusca at kamakailan lang ay aminado si Jodi na may inspirasyon siya ngayon. Hindi niya man pinapangalanan kung sino ngunit ayon sa balita ng Showbiz Inside Report, kamakailan ay nag-post si Jodi sa social networking site na Instagram ng litrato nila ni Jolo Revilla. At si Kaye naman ay napapabalitang may dinedate.

Kaya naman inilarawan nila ang bawat isa kapag in love. Ayon kay Jodi kapag in love si Kaye, “Kapag ito in love tapos nahurt, bigyan mo ng lahat ng heavy scenes, kaya niya gawin lahat. Papatak luha dito ba o dito.” Para kay Kaye naman kapag in love si Jodi, “Dati? All-out pa rin naman siya e. Pero dahil bagets pa, sige lang.” Dagdag pa ni Jodi, “Now very cautious na. Kaya nga be careful with my heart.” At si Desiree kapag in love, iisa ang kumento ng dalawang magkaibigan, “Si Des pag nai-in love parang asawa. Ipagluluto, pagsisilbihan ka.” Biro pa ni Kaye, “Grocery! Papunta na sa yaya yung pagaalaga.

Sa lalim na ng pinagsamahan nila at sa sobrang lapit nila bilang magkaibigan, natanong kung may makakasira pa ba sa kanila. Para kay Kaye, “Kasi feeling ko sa sobrang tagal na naming pagkakaibigan, pag-uusapan, pag-uusapan namin e. Sa show business, ang hirap humanap ng tunay na kaibigan, na pagkakatiwalaan mo talaga, hindi ka sisiraan. Wala talagang inggitan sa atin e. Sobrang saya ko lang na nakahanap ako ng tunay na kaibigan.” Dagdag pa ni Jodi, “Whenever I feel alone, mga angels ko to e, shoulder to cry on. Kapag di mo alam san ka tatakbo maalala mo andyan sila.”

Heto na talaga yun e. Sayang lang wala si Paula (Peralejo) here. We all miss her. And happy na rin kami para sa kanya, ikakasal na siya. Happy kami with each other na magkakaibigan pa rin kami,” ang pagtatapos ni Desiree.