• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban on how happily in love she is: 'Pabaliw na.'

Angelica Panganiban on how happily in love she is: 'Pabaliw na.'

Angelica Panganiban admits that she can't bear to see John Lloyd Cruz doing kissing scenes with his leading ladies.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/3/2013 7:12 PM
Angelica Panganiban on how happily in love she is: 'Pabaliw na.'


020413-angelica_main.jpgIpinalabas sa The Buzz nitong linggo, Pebrero 3, ang interview ni Toni Gonzaga kay Angelica Panganiban at pinag-usapan ang relasyon ngayon ng aktres sa boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. 

Itinanggi ng aktres ang isyung nagkakalabuan na sila ngayon ng kanyang sikat na boyfriend. “Wala kaming mapagtalunan parang laging okay, kumbaga laging nagtutugma ‘yung mga gusto namin,” simula ni Angelica. 

Pagbabahagi pa ng aktres noon daw ay lagi siyang nangunguna sa pagpila para panoorin ang mga pelikula ni John Lloyd on the first day of showing. 

Ngayon nga raw ay nagtataka siya na tila nakakaramdam siya ng pagseselos kapag napapanood si John Lloyd na may sinasabihan siya ng “I love you” sa kanyang mga pelikula.  

Naninibago ako, di talaga ako ganon. Dati sobra akong supportive. Nanonood ako ng love scenes ng boyfriend ko,” natatawa pa niyang sabi. 

Aniya, siguro ay in-love na in-love siya ngayon sa kanyang kasintahan. 

Isa pa raw isyu na pinag-aawayan nila ngayon ay ang kawalan ng oras sa isa’t isa. Nasanay raw kasi si Angelica na laging may oras sa kanya ang boyfriend. Ngayon daw kapag nagkikita sila ni John Lloyd ay sinasagad daw nila ang pagkikita at talagang sinusulit na halos wala na raw silang panahon na hawakan ang kanilang cell phones. 

Nang tanungin ni Toni ang aktres kung paano ba bilang boyfriend ang bankable actor, ang bungad agad ng dalaga, “Mapagsilbi siya. Sabi nga niya ‘yun ang mga nami-miss niya, nami-miss niya akong pagsilbihan, ganon. Syempre ako naman ine-enjoy ko. Tsaka he makes sure na ikaw ang priority niya, na sa ‘yo umiikot ang mundo niya.” 

Isang beses daw ay binigyan siya ng bulaklak ng binata nang dumalaw ito sa bahay ng aktres. Napansin daw ni John Lloyd na walang vase sa bahay ng aktres. Dati raw kasi ay hindi nabibigyan ng bulaklak si Angelica. Kaya naman matapos mapansin ni John Lloyd na walang vase si Angelica sa bahay ay bumili raw ng maraming vase ang aktres.  

Itinanong ni Toni kay Angelica kung gaano ba siya kasaya ngayon. “Pabaliw na, hindi na maganda,” natatawang biro ng dalaga. “Ang perfect ng lahat, eh. Sabi ko wala na, wala na akong hihilingin pa. Wala na, as in parang dumating na ako sa point ng buhay ko na gaano katagal ba ito magla-last? Pwede bang ma-maintain ko lang ang ganito?” 

Sa kabila ng kasiyahang nararamdaman niya, sinabi ni Angelica na mahalaga pa ring mahalin ang sarili at ipinaliwanag na ang pagmamahal muna sa sarili ang nararapat upang sa ganon ay mahalin ka rin ng iba. 

Sisimulan na sa February 11 ang susunod na teleserye ni Angelica, ang Apoy Sa Dagat, na pinagbibidahan din nina Piolo Pascual at Diether Ocampo.