• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim refuses to comment on Gerald Anderson and Maja Salvador's reported date

Xian Lim refuses to comment on Gerald Anderson and Maja Salvador's reported date

Xian Lim says that he does not pay attention to things that doesn't concern him.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/28/2013 9:18 AM
Xian Lim refuses to comment on Gerald Anderson and Maja Salvador's reported date


022813-xian_main.jpgSa panayam ng Push.com.ph kay Xian Lim, malaki ang pasasalamat nito sa mataas na ratings ng kanilang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. “It feels wonderful, it feels great na nagra-rate kami ng ganun. Siyempre continuous na pasasalamat yan sa mga manonood.”

Sa tumitinding mga eksena sa kanilang serye, sinisiguro ni Xian na mas marami pang kaabang-abang na mga pangyayari. “Mas marami pang istoryang mangyayari, mas marami pang tensyon kaya huwag silang bibitiw.

At sa usaping tensyon, natanong si Xian sa reaksiyon niya sa tensyon sa pagitan ng dating matalik na magkaibigang si Maja Salvador at Kim Chiu. “Sa akin wala talaga akong nararamdaman. I guess yung nangyayari sa kanila, sa kanila na lang yun. It does not concern any of us kasi it’s between them.”

Hindi rin diretso ang naging sagot ni Xian kung napag-uusapan ba nila ni Kim ito. “Wala akong business sa issue na yun. I don’t have any connection with the issue.” Dagdag pa ni Xian, “Mahirap pangunahan ang mga nangyayari. Yan ang nangyayari ngayon kaya lumalala. I guess we should give them time, yun lang ang masasabi ko. Let us give them time para maisip nila kung anuman ang pinagdadaanan nila.

Nung nakaraang Valentine’s Day inamin ni Kim na sinurpresa siya ni Xian ng isang date sa yacht sa Subic. “Siguro bilang isang lalaki naman you want your Valentines to be special. It’s just that it’s Valentines day, hindi naman ako nanininwala na basta Valentines Day, we do something very nice for the person and I believe na everyday, every time you guys meet, you make it special.”

Inamin din ni Xian na mas lumalalim na rin ang samahan nilang dalawa. Aniya, “Ganun naman talaga habang mas nakikilala natin yung tao. Habang mas tumatagal, mas nagiging kampante kayo sa isa’t isa, mas nagiging kumportable.” At sa estado ng relasyon nilang dalawa, “We are always going to be focused sa trabaho, kasi ang puso talaga namin nasa Ina Kapatid, Anak at hindi namin yan bibitawan hanggang nagfo-forty percent pa yan hindi kami bibitiw.”

May lumabas ding mga balitang inamin ni Xian sa isang writer na opisyal na silang magkarelasyon ni Kim ngunit pinabulaanan ito ni Xian. Aniya, “Hindi ko nga alam yun e. Kasi sa internet ang influence kaya mahirap kasi pwede tayong gumawa ng istorya e, I can make my own story then one million can read it so madaling gumawa ng kwento.”

Gumawa ng ingay kamakailan ang diumano’y “chopper date” nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Tagaytay. Marami tuloy ang nagkukumpara sa naganap na Valentine’s date nina Xian at Kim at nina Gerald at Maja. Nang ng Push ang reaksiyon si Xian tungkol dito, aniya, “Ako kasi mas iniisip ko yung nangyayari sa buhay ko and not look at other people. If it does not concern me I don’t pay attention to it. Happy-happy lang.”