• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla talk about being paired with other partners

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla talk about being paired with other partners

While they are today's hottest love-team, they both acknowledge the possibility of being partnered to other celebrities.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/25/2013 1:19 AM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla talk about being paired with other partners


022513-kathniel_main.jpgSa panayam na inere kahapon sa The Buzz, sinabi nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi na nila naregaluhan ang isat-isa noong nakaraang Valentine’s Day. Anila, sa sobrang ka-busy-han ay wala na raw silang oras na makabili ng regalo. 

Gayunpaman, sinabi ni Daniel na napasaya naman niya si Kathryn noong Araw ng Mga Puso. Nang tanungin niya si Kat na katabi niya during the interview with The Buzz, isang ngiti lang ang itinugon ng dalaga. 

Samantala, natanong din sa pinakamainit na young love team ngayon kung handa na ba silang maipareha sa iba. Kasalukuyan ngayong nagsu-shoot ang dalawa para sa kanilang launching movie na Must Be…Love na ipapalabas ngayong Marso. 

Sa sagot ng dalawa, masasabing napag-usapan na nila ang tungkol dito at handa naman sila sa posibilidad na ito. 

Paliwanag ni Daniel, “Nasabi ko nga sa kanya (Kathryn) kung nagkataon po (na magkaroon siya ng ibang leading man) parang suportado ko pa rin. Syempre hindi naman ako ang last na makaka-partner ni Kathryn… may darating pa. Malay n’yo mas maging grabe pa sa akin (ang maging pagtanggap). Syempre ‘di natin alam, (baka) mas maganda ang chemistry nila.” 

Ayon naman kay Kathryn, susuportahan din niya si Daniel kung magkaroon siya ng ibang leading lady. “Di naman forever nga na kami lang ang mag-partner and siguro kung mag-partner kami and siguro kung paghiwalayin kami, darating din ‘yung time na magkakasama ulit. Syempre kailangan din niyang ma-pair sa iba and ‘yun… asahan din naman ni DJ (palayaw ni Daniel) ‘yung suporta ko kahit kanino rin siya ma-partner.”