• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiza Seguerra denies that she resigned from 'Be Careful With My Heart'

Aiza Seguerra denies that she resigned from 'Be Careful With My Heart'

Aside from Aiza Seguerra's statement via Twitter, ABS-CBN also maintains that the singer-actress is a valued member of the said top-rating daytime series.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

2/22/2013 12:46 PM
Aiza Seguerra denies that she resigned from 'Be Careful With My Heart'


022213-aiza_main.jpgItinanggi ni Aiza Seguerra ang isyung nag-resign siya sa sikat na seryeng Be Careful With My Heart na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Aiza na walang katotohanan ang nasabing isyu.

"FYI resignation issue is not true. Thank you," ani Aiza.

Pagkatapos ng pagtanggi ng singer, naglabas na din ng official statement ang Kapamilya network para linawin ang isyu.

Sa statement itinanggi nito hindi totoong umalis si Aiza sa serye.

"Nais linawin ng ABS-CBN na hindi nag-resign si Aiza Seguerra sa top-rating Kapamilya daytime series na Be Careful With My Heart. Si Aiza ay isang mahalagang miyembro ng pamilya ng Be Careful With My Heart at ang karakter niyang si Kute ay importanteng bahagi sa kuwento ng programa," ani Mr. Bong Osorio, head, Corporate Communications Division, ABS-CBN.