• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Gerald Anderson give Maja Salvador a luxurious Valentine date?

Did Gerald Anderson give Maja Salvador a luxurious Valentine date?

According to a recent report, Gerald Anderson gave Maja Salvador a very expensive and unforgettable Valentine's Day.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/17/2013 10:20 PM
Did Gerald Anderson give Maja Salvador a luxurious Valentine date?


021813-gerald_main.jpgIsang romantic at expensive date nga ba ang iniregalo ni Gerald Anderson sa nali-link sa kanyang si Maja Salvador? Sa The Buzz noong Sunday, February 17, iniulat sa nasabing showbiz-oriented talk show na isang enggrandeng Valentine’s Day gift ang diumano’y ibinigay ni Gerald kay Maja. 

Ayon sa report na lumabas sa The Buzz, itinodo umano ni Gerald ang pagpapakilig kay Maja. 

Sa halip daw na isang kotse ang ginamit ni Gerald, umarkila umano ang aktor ng isang helicopter upang makarating silang dalawa sa isang high-end na restaurant sa Tagaytay galing Metro Manila. 

Napag-alaman ng The Buzz sa isang website ng isang airplane at helicopter services na ang isang Manila-Tagaytay package ay nagkakahalaga umano ng higit sa P100,000. Ito umano ang package na in-avail ni Gerald for Maja.

Kabilang sa package ang biyahe gamit ang isang helicopter mula sa Metro Manila patungong Tagaytay sa loob ng isang oras. Kabilang din ang bouquet of flowers, stuff toy, chocolates at champagne para sa couple. 

Pagdating sa Tagaytay ay bababa ang couple sa Antonio’s Restaurant kung saan sila magkakaroon ng romantic lunch sa loob ng dalawang oras. Pagkatapos noon ay muli silang sasakay ng helicopter pabalik ng Metro Manila. 

Wala pa namang direktang pag-amin mula sa dalawa subalit kung pagbabasehan ang Instagram post ni Maja, posibleng isang clue ito. 

Nag-post si Maja sa Instagram ng isang photo na tila kinunan mula sa mataas na lugar. 

Pagkatapos niyon ay mayroon pang lumabas na picture ang dalawa habang kumakain sa sinabing mamahaling restaurant sa Tagaytay na naka-post sa isang showbiz blog site.