• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano says his marriage with Sunshine Cruz is 'not perfect'

Cesar Montano says his marriage with Sunshine Cruz is 'not perfect'

The dramatic actor explained that Krista Miller is nothing more than just a co-star and that the actor loves his wife and family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/17/2013 10:11 PM
Cesar Montano says his marriage with Sunshine Cruz is 'not perfect'


021813-cesar_main.jpgEksklusibong humarap si Cesar Montano kay Boy Abunda para sa isang exclusive interview na ipinalabas sa The Buzz kahapon, February 17 at sinagot ang mga isyung kinasasangkutan ng aktor, kabilang na ang pagkaka-link niya sa isang starlet at ang pinagdadaanan nila ng asawang si Sunshine Cruz. 

Tinatapos ngayon ni Cesar ang true-to-life story ni Manila Mayor Alfredo Lim, ang The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim

Pagbibiro pa nga ni Cesar, nalaman daw niya na takot si Mayor Lim sa asawa niya at iyon daw ay isang pagkakapareho nila. 

“Obviously takot ako sa asawa (Sunshine) ko, baka maging sunset ako kasi Sunshine siya,” pagbibiro ng dramatic actor.  

Sa pagkaka-link ni Cesar sa leading lady niya sa ginagawang pelikula na si Krista Miller, nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang aktor sa kanyang maybahay. Nagpahayag ng kanyang sama ng loob at kinumpronta ni Sunshine si Krista via Twitter. 

May ulat pa nga na nang malaman ni Sunshine ang tungkol sa diumano’y relasyon ni Cesar at Krista ay umalis na umano si Sunshine sa kanilang bahay at naghahanap ng bagong matitirhan. 

Siya ay nasa loob ng bahay,” pagtanggi ni Cesar. Nakiusap naman si Cesar sa mga tao ng pang-unawa.  “Me and Shine (have) a marriage. It’s not perfect… we’re not perfect people.” Di naman niya itinanggi na may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama. 

Nagkaroon ng problema, we’re in the process of fixing it. I need prayers from our friends. Naniniwala ako na we just need a vertical ventilation.”

“I love my family,” deklarasyon ni Cesar. “I love Sunshine so much and I believe in our family. I will never do anything to hurt my family and I want to close my eyes with my family.”  

Natawa pa nga ang aktor nang pag-usapan ang isyung diumano’y pinalayas siya sa bahay nila. “Ako nga hindi ko nalaman na ako nga ay pinalayas na sa bahay ko. Hindi pa ako lumalayas sa bahay ko,” aniya. 

Marahil daw na-misinterpret ng mga tao ang pagtuloy ni Cesar sa isang hotel sa Maynila. Paliwanag niya, kinailangan niyang manatili ng ilang araw sa labas ng bahay para sa ilang araw ng shooting. 

Bilang pangwakas, ipinaliwanag ni Cesar kung sino nga ba si Krista Miller sa buhay niya. “She is in an actress in the film. She’s a good actress. Maganda ang role niya. 

“I feel sorry about her dahil na-involve siya dito, but kasama siya sa cast ng pelikula… ‘yun lang siya,” pagtatapos ni Cesar.