• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis speaks up about boys and a brewing competition between her and Miles Ocampo

Kiray Celis speaks up about boys and a brewing competition between her and Miles Ocampo

Kiray Celis admits she would prefer a non-showbiz boyfriend rather than somebody from showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/13/2013 10:09 AM
Kiray Celis speaks up about boys and a brewing competition between her and Miles Ocampo


021313-kiray_main.jpgSa naging panayam ng Push.com.ph kay Kiray Celis, kahit siya ay hindi inakalang magtatagal ang kanilang programang Luv U. “Actually masaya kasi hindi sila sigurado sa show namin. Pero ngayon napatunayan namin na kaya namin tumagal ng isang taon. Kadalasan ng show lalo na sa hapon, months lang ang itinatagal so nagbakasakali lang ang Luv U at yun nag-succeed naman kami at heto kami ngayon may Season 5 pa.

Sa Luv U, isa sa mga inaabangan ay ang mga nakakatawang eksena nila ng ka-love team na si Igi Boy Flores. Natanong ng Push si Kiray kung halos pareho lang din siya sa kanyang karakter sa Luv U pagdating sa mga manliligaw at humahanga sa kanya. “Ganun naman din ako, makulit din naman ako sa personal like kung sino ako sa Luv U. Very ako din kaya minsan natutuwa ako sa mga role na binibigay sa akin kasi hindi ako nahihirapan. Ako lang talaga. Siguro kung may nagkakagusto man sa akin siguro nagugustuhan nila ako sa personality ko.” 

Kaya naman sa tanong na kung may boyfriend na si Kiray, ang diretso niyang sagot, “Wala po.” At ayon sa kanya ang dahilan nito ay, “I’m busy, career first. Hindi bawal siguro kailangan ko muna magka-bahay bago magdyowa, ang daming lalaki e, ang hirap kumuha ng bahay. Ipon muna.

Pero inamin ni Kiray na may ilang mga lalaking nagpaparamdaman sa kanya. “Mas mahilig ako sa non-showbiz kasi mas mahirap ang showbiz kasi tatanungin ng tatanungin ng mga tao kamusta na kayo ni ganito unlike na kung hindi niyo kilala itatanong niyo ba yun sa akin, hindi ‘di ba? Saka mas madali.”

Nagsalita na rin si Kiray sa sinasabing nagiging kumpetisyon nila ni Miles Ocampo. “Ay, hindi. Actually pantay-pantay naman kami dito, walang labanan dito. Honestly masasabi ko na very pamilya kami on and off (camera). Makikita mo yung closeness namin kapag umaarte kami, kami lang talaga yun.”

Natanong din ng Push si Kiray sa reaksiyon niya sa pagkakasama ni Miles sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw. “Oo nga nanonood ako ng KKI. Ang galing. Nakakatuwa kasi bago pa lang sila ni Marco (Gumabao, ang ka-love team ni Miles) pero nakuha na sila kaagad. Masaya naman ako at saka magaling naman talaga si Miles sa drama. Yun talaga, dun talaga siya magaling.” At inamin din ni Kiray na namimiss niyang gumawa ng teleserye, “Oo, makakamiss kasi iba talaga ang exposure ng teleserye like mas maraming makakanood sa iyo.”