“Ang sinasabi ko ang ikinasarap lang ng pagiging Juan dela Cruz kasi merong room para matuto, para i-correct yung mga bagay na alam mong mali sa buhay mo.” Ibinahagi din ni Coco ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging Juan dela Cruz. “Katulad niyang si Juan dela Cruz, siyempre ano ka e tinuturing kang hero ng mga tao, magiging huwaran ka. Siyempre sabi ko nga, bawat hero, ako bilang artista, meron kang responsibilidad sa mga artista lalo na sa mga kabataan. Kung ano ang ipinapalabas mo o ipinapakita mo, nakakaapekto yun sa kanila kaya dapat maging careful ka. Dapat yung ipapakita mo sa kanila yung mga magagandang gawain kasi baka mamaya mapulot nila sa iyo yung mga pagkakamali o maling gawain sa buhay.”
Ang babaeng nagbibigay ng inspirasyon kay Juan dela Cruz ay ang karakter na ginagampanan ni Erich Gonzales. Nang matanong ng Push si Coco kung kamusta ang kanilang pagbabalik-tambalan, aniya, “Si Erich naman para sa akin, excited talaga ako na makatrabaho siya kasi isa siya sa mga magagandang artista, magaling na artista ng ABS-CBN. Kahit na hindi pa kami ganun sobra-sobrang ka-close kapag nagkakaroon kami ng eksena, nagkakaroon agad ng chemistry. Sabi ko nga minsan lang ako makakilala ng babae, kasi ang character niya dito suplada, medyo masungit kasi sinusupladahan niya si Juan. Pero si Erich kahit suplada siya sa character niya ang ganda-ganda niya kasi babaeng-babae siya. Di ba may mga babaeng nasasapawan ang pagkalalaki mo kasi masyadong malakas yung dating? Ganun.”
Inamin din niyang kinikilig na siya kapag ka-eksena na niya ang aktres. Aniya, “Si Erich babae, basta pag tinitigan ka niya… Sabi nga nila kahit wala ka pang ginagawa yun yung kinikilig-kilig ka, si Juan yun ha. Sabi ko nga after Noy at nagkatrabaho kami dito sa Juan dela Cruz sobrang saya ko na partner ko siya ulit.”