• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks on Paul Jake Castillo: 'Sobrang hulog siya ng langit'

Melissa Ricks on Paul Jake Castillo: 'Sobrang hulog siya ng langit'

Melissa Ricks sheds tears as she talks about her happy relationship with Paul Jake Castillo.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/1/2013 11:34 PM
Melissa Ricks on Paul Jake Castillo: 'Sobrang hulog siya ng langit'


020213-melissa_main.jpgHindi napigilan ng aktres na si Melissa Ricks ang mapaiyak dahil sa labis na kasiyahan sa relasyon niya kay Paul Jake Castillo.

Sa guesting ni Melissa, kasama si Paul Jake sa KrisTV nitong Biyernes, inamin ng aktres ang pangarap niya na sana ay magtagal ang pagsasama nila ni Paul Jake.

"Siyempre when I go into a relationship, I want it to last talaga. Hindi naman ako yung type na I will entertain someone just for the sake of entertaining them... After all that I’ve been through, sobrang hulog ng langit. Ewan ko, I don't know if people will understand where I'm coming from, basta hindi ko akalain na there would be someone who would make me even happier ever than I could imagine," ani Melissa habang walang tigil sa pagluha dahil sa kasiyahan.

"Hindi ko akalain na makakahanap ako ng tao na sobrang makakapagpasaya sa akin ng sobra sobrang ini-expect ko . Kahit wala namang effort or anything it comes naturally napapasaya niya ako sa simpleng bagay," dagdag ng aktres.

Para naman kay Paul Jake, sinabi nitong nakikita din niya ang sarili na makasama si Melissa habang buhay lalo't maayos ang kanilang relasyon.

Matatandang dumaan sa matinding pagsubok si Melissa dahil sa nabigo nitong pag-ibig sa aktor na si Jake Cuenca.

Giit ng aktres matagal na siyang nakabangon mula sa nakaraan nila ni Jake. 

"I think hindi mawawala 'yung pain but to move on from someone, 'yung hindi mo na siya mahal  wala na talaga but 'yung pain it's always going to be there," ani Melissa.