John Lloyd Cruz joins the social media bandwagon

The formerly not-so-tech-savvy John Lloyd Cruz finally joins Twitter and Instagram.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/1/2013 12:26 PM
John Lloyd Cruz joins the social media bandwagon


020113-jlc_main.jpgOpisyal ng parte ng "Twitterverse" ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Nitong Huwebes, sinimulan na ni John Lloyd ang paggamit ng microblogging site Twitter at ganoon din ang photo-sharing site na Instagram.

Gamit ang account name na @johnlloydcruz08, unang mensahe ni John Lloyd ang pasasalamat sa kanyang Star Magic family na nagpakilala sa kanya sa Twitter.

"Thank you @StarMagicPhils for the welcome," ani Lloydie.

Pagkatapos ang ilang oras, ibinahagi ni John Lloyd sa Twitter na nasa isang photoshoot siya.

Sa loob ng 15 oras matapos niyang magbukas ng Twitter account, mayroon na ngayong mahigit na pitong libong followers si Lloydie.

Matatandaan na palaging sinasabi ni John Lloyd noon na hindi siya ganon ka-techy at walang hilig sa pag-i-internet. Posibleng malaki ang impluwensiya ng kanyang current girlfriend na si Angelica Panganiban na kilalang aktibo sa social media.  

Sa ngayon ay busy si Lloydie sa kanyang pelikulang It Takes A Man And A Woman kasama si Pop Star Princess Sarah Geronimo.