• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Francisco confesses that he still loves Melai Cantiveros

Jason Francisco confesses that he still loves Melai Cantiveros

Jason Francisco reveals his intention to court ex-girlfriend Melai Cantiveros again.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/1/2013 12:21 PM
Jason Francisco confesses that he still loves Melai Cantiveros


020113-jason_main.jpgInamin ni Jason Francisco na nais niyang magbalik muli ang natapos na relasyon nila ni Melai Cantiveros.

Sa KrisTV nitong Huwebes, itinanggi ni Jason at Melai na nagkabalikan sila pero inamin ng aktor na nais niyang manumbalik ang nakaraan nila ni Melai.

"Parang nagii-start ulit kami," paliwanag ni Jason.

"Hindi naman ligaw 'yun. Parang gusto ko lang ibalik 'yung dati namin, na maayos ulit,” dagdag niya.  

Para naman kay Melai, sinabi niyang aamin siya agad sakaling manligaw at magkabalikan na sila ni Jason.

"Hindi pa siya nanligaw Ms Kris. Kapag nanligaw siya sasabihin ko sa iyo kaagad,” ani Melai.

Matatandaang ang samahan nila Melai at Jason na mas kilala bilang "Melason" ay nagsimula noong maging housemates sila sa Pinoy Big Brother. 

Simula sa simpleng pagkakaibigan, napakilig at sinuportahan ng mga tao ang naging panliligaw ni Jason kay Melai hanggang sa paglabas nila sa bahay.

Bago ang kanilang second anniversary, inamin ni Melai na nagkahiwalay na sila ni Jason.