Charice denies wedding plans with partner Alyssa Quijano

Charice shares her frustration with some fans and appeals to them to be patient and be content with what she can offer at the moment. She also denies rumors of her planning to get married abroad with

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/8/2013 12:03 AM
Charice denies wedding plans with partner Alyssa Quijano


120813-Charice-main.jpgMaraming nakakarating kay Charice na mga nagtatanong kung anu-ano ang mga proyektong kanyang gagawin lalo na ang mga nakalinyang Hollywood projects. Aniya, “Ayaw ko namang magsalita tapos maraming mangungulit ng, ‘Kailan? Kailan?’ if especially one is not confirmed yet. So for my fans, just be patient. And if everything na may ma-confirm pinapaalam ko naman at pinapalabas ko naman so right now we are focused on doing shows, doing concerts. Like next year start na yung tour, first we are going to Australia, five cities then we are thinking of doing US tours, so tuloy-tuloy na yun and we are planning for an album again.”

May nais ding i-apela si Charice sa knayang mga taga-suporta at tagahanga tungkol dito. Aniya, “Ito lang ang pakiusap ko… this is a very important message for my fans. I have been frustrated that they keep on pushing me na, ‘Bakit wala ka pang ginagawa?’ They have no idea sa ginagawa kong hard work. Kahit na nakikita nila ako sa TV screens dito sa Philippines, I hope sapat na yun sa kanila. Honestly being in a TV show here in the Philippines and doing a concert here in the Philippines mas big sa akin kesa sa ibang bansa because Filipinos are so hard to please. And for me to see Filipinos watch my concert, seeing Filipinos on every show na [nagbibigay ng] compliments mas big sa akin yun kasi sa totoo lang simula nung nagsimula ako, nahihirapan talaga ko i-please yung ibang Filipinos… because I am trying my hard to be at my best even if I am not the old Charice that they wanted. Even if they see the me right now, this is me and I am not going to change and sana I hope they stop calling me a tomboy wannabe because doing a confession is not a game. Hindi ko gagawin yun dahil alam kong makakasira yun ng career ko noon pero thankful ako dahil pinagkatiwalaan ako ng mga tao na kaya ko and this is me, I am going to move on and I hope na hindi lang nila ako tanggapin as an international artist. I hope kung anumang music ang i-share ko sa concerts, sana tanggapin nila. I am not sharing the whole me because I am a lesbian, I am sharing my talent. Sana yun yung marealize nila.” 

Hindi na bago kay Charice ang mga hindi magaganda at negatibong mga kumento sa kanya kahit pa noong nagsisimula siya. Ngunit aminado si Charice na kapag tungkol na sa kanyang karelasyon ang kanyang mga naririnig na hindi maganda, si Alyssa Quijano na lang ang pumipigil sa kanya na gumawa ng hindi maganda sa mga ganitong klaseng kumento. “Ako kasi kapag sa sarili ko kaya ko pang i-deal e pero kapag nakikita ko na may negative sa kanya nagagalit talaga ako at nakita niya kung paano ako magalit pinipigilan niya lang ako so ayun.”

Dagdag pa ni Charice, “Baligtad kami. Ako ang naapektuhan para sa kanya, siya ang naapektuhan sa akin. Kasi sa kanya kapag may nakikita siyang nagha-hate sa kanya, nagugulat ako, nakikita ko na lang natatawa siya, ‘Grabe ito no?’ Natatawa siya. ‘May mga ganung tao pala na ganun mag-isip ganyan, ganyan.’ She is getting used to it, sad but true. We all have to get used to it.” 

Sa tindi ng pinagdaanan ng kanilang relasyon, natanong si Charice kung may plano na ba itong lumagay sa tahimik at magpaksakal na sa ibang bansa, na agad naman niyang itinanggi, “Diyos ko naman ang aga-aga pa. Walang plans pero I definitely see her in my future pero ayaw ko magsalita.”

At sa darating na kapaskuhan, may bagong bahay si Charice at excited ang singer dahil ito ang unang Pasko na talagang magsasama sila ni Alyssa sa iisang bahay sa araw na ito. “Hindi naman kami aalis ng Pinas. Dito lang po ako, chill lang with my second family.”

Nagsalita din si Charice tungkol naman sa hindi pa rin nila pagkaka-ayos ng kanyang Ina at kapatid lalo pa at magpapasko na. Aniya, “I really don’t know and I don’t know what to say to that question, I mean I get that question everyday and I don’t know how to lie or how to cover. Para sa akin eventually someday everything will be okay.”