Ejay Falcon denies he feels insecure because of Arjo Atayde

Ejay Falcon says he has no right to feel insecure or harbor any negative feelings towards Arjo Atayde because he treats Arjo like a brother and is happy with his friend's success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/7/2013 12:03 AM
Ejay Falcon denies he feels insecure because of Arjo Atayde


120713-EJ-main.jpgAgad na sinagot ni Ejay Falcon ang kumakalat na balita na nakaramdam ito ng insecurity sa muling pagkapanalo ni Arjo Atayde sa nakaraang PMPC Star Awards as Best Supporting Actor sa teleseryeng pinagsamahan nila, ang Dugong Buhay.

Ayon daw sa sinasabi ng ilan, bida man siya na kanilang nakaraang teleserye, ang nabibigyan naman daw ng pansin ay si Arjo. Dagdag pa dito na nakatanggap si Arjo ng parangal para sa isang episode ng Maalala Mo Kaya. Nagsalita na rin si Ejay tungkol dito. “Hindi, wala, masaya ako para sa kanya kasi pinaghirapan niya yun at nakikita ko yung hirap niya dun sa taping para mapaganda, maipakita niya yung galing niya bilang actor, ‘di ba? So masaya ako para sa kanya kasi yung success niya alam ko inaalay niya din dun sa teleserye namin na Dugong Buhay at lahat kami masaya kami para sa kanya. Yung sa akin, siguro, pana-panahon lang din talaga yan. Nakita yung moment niya dun, yung galing niya, eh di sa kanya.”

Ayon kay Ejay, buo ang suporta niya sa kaibigan at walang dahilan para makaramdam siya ng insecurity dahil hindi naman siya nagmamadali na makilala din ang kanyang galing sa pag-arte, “Siguro may ganyang panahon. Ako nga hindi ko alam na gagawin ko yung Dugong Buhay tapos ginawa ko so nakatakda yung panahon na un at hindi ako naiinip na magkaroon din ng ganun na award. Alam ko na pinagbutihan ko yung trabaho ko darating at darating din yun.”

Itinanggi din ni Ejay na may kumpetisyon sila, magpasahanggang ngayon, kahit tapos na ang teleserye, sa pagitan nila. “Wala, kinongrats ko agad siya kasi, wala talaga. Hindi ako pwedeng mainggit o hindi ako pwedeng masaktan sa nakuha niya, sa nakamit niya na award na Best Supporting Actor kasi ako yung unang taong masaya para sa kanya kasi kaibigan ko yun, parang kapatid ko yung taong yun so wala, wala. Kung sinuman yung nagsasabi na ako yung parang naiinggit, e baka sila yung naiinggit kay Arjo pero ako hindi. Masaya po ako kay Arjo at kaming lahat ay masaya sa nakuha niya kasi pinaghirapan niya yun e, pinaghirapan niya.”

Sa ngayon ay nakatuon ang atensyon ni Ejay sa kanyang mga proyekto. Ilan dito ay ang pagkakabilang niya sa MMFF entry na Girl Boy Bakla Tomboy at indie film na Saka-Saka’ at kung magkakaroon ulit siya ng teleserye, “Teleserye? May naririnig ako pero kasi Disyembre ngayon e busy ang mga tao, busy ang production so hindi pa natin malaman. Tignan natin sa January kung anong gagawin nating teleserye.”