• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto speaks up on rumors linking her to Erik Santos

Angeline Quinto speaks up on rumors linking her to Erik Santos

Angeline Quinto neither confirms nor denies rumors linking her to fellow singer Erik Santos.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/31/2013 10:02 AM
Angeline Quinto speaks up on rumors linking her to Erik Santos


123113-Angeline_Main.jpgIsa si Angeline Quinto sa aktibong nag-uupdate sa kanyang mga fans ng mga pangyayari sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang social media accounts tulad ng Instagram. Sa isang post, nagpasalamat si Angeline para sa isang mamahaling relo na iniregalo sa kanya ni “Pogs” tapos naka-tag ang username ni Erik Santos sa Instagram. Kaya naman nang matanong si Angeline tungkol dito, paliwanag niya, “Ano yun, parang gift niya sa akin after ko mag-guest sa concert niya kasi madalas kami nagbibiruan niyan na, ‘So sa lagay ba ganun na lang, thank you na lang?’ Ganun talaga kami ni Erik kaya nagregalo siya sa akin ng relo.”

Ngunit bago pa ito, meron ng maraming posts si Angeline kung saan kasama niya si Erik na parang sweet na sweet sa isa’t isa. Natanong tuloy si Angeline kung may namumuo na nga bang espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila ni Erik. Hindi man diretsong sinagot ni Angeline, makikitang napakalaki ng ngiti niya sa tanong na ito. “Kasi si Erik sobrang sweet na tao nun at madalas kaming nagkakatrabaho sa ASAP ganun. May mga ilang shows din kami sa abroad at alam naman ni Erik na mahal ko siya ganun.”

At kung may posibilidad ba na magkatuluyan sila ng Prince of Pop, “Hindi ko alam, hintayin na lang natin pero sa ngayon sobrang okay kami ni Erik.”

Sa kabila ng balitang ito at maging sa pagkakaugnay ni Erik sa ilang mga babae noon pa man, hindi pa rin namamatay ang balita sa mga kumekwestiyon pa rin sa totoong pagkatao niya. Kaya naman nang matanong ito kay Angeline, “Actually marami naman na nagtatanong sa akin din kasi alam nila na close kami ni Erik. Kaya ang sabi ko, kung anong nakikita kay Erik Santos yun yun. Wala na akong ibang masasabing iba sa kanya.”

Sa taong ito, maraming nangyari kay Angeline na nakapagpabago sa kanyang buhay. Ang pinakamabigat ay ang pagkamatay ng kanyang ama kaya aminado si Angeline na pinili niyang hindi masyadong isipin ang Pasko. “Sa totoo lang hindi ko pinaghahandaan kasi sa ngayon nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ni Papa.”

Ngunit sa pagsapit ng Bagong Taon, napagdesisyunan na rin ni Angeline na ilipat petsa ng kanyang paglipat sa kanilang bagong bahay sa darating na Enero. “Sa totoo lang pinamove ko talaga yung paglipat kasi hindi ko rin naman gusto yung mga nangyari ngayong taon. Ang dami ding mga naging trahedya kaya ayaw ko muna makisabay doon, ngayong taon din namatay si Papa kaya sabi ko sa bagong taon na lang, bagong bahay, bagong buhay.”