• Home
  • Fresh Scoops
  • Wenn Deramas on Girl, Boy, Bakla, Tomboy: 'Makakalimutan mong iisang tao ang gumaganap'

Wenn Deramas on Girl, Boy, Bakla, Tomboy: 'Makakalimutan mong iisang tao ang gumaganap'

Wenn Deramas says that Vice Ganda was able to successfully pull off his four characters in the movie 'Girl, Boy, Bakla, Tomboy.'

BY KRISTHOFF CAGAPE

Twitter: @kristhoff_cgp

FRESH SCOOPS

12/24/2013 9:18 AM
Wenn Deramas on Girl, Boy, Bakla, Tomboy: 'Makakalimutan mong iisang tao ang gumaganap'


122413-Wenn_Main.jpgDirector Wenn Deramas relayed that Vice Ganda and Maricel Soriano have a great personal and professional relationship. The director witnessed this during the shoot for the Metro Manila Film Fesy entry Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Sobra nilang gusto ‘yung isa't isa na umabot nga si Vice na sa bahay ni Maricel tapos manicure-pedicure sila kasi umabot na ‘yung friendship nila sa ganong level. Tapos kapag nasa set ‘yan hindi mo sila maaawat, laging sila ‘yung nagkakausap,” he said.

He shared that both were really excited to be working together even before they started filming. “Una sa lahat hindi pa nagsisimula sobra ng excited si Maricel at tsaka si Vice kasi nagkakasama sila sa Showtime bilang naghuhurado si Mary doon eh, si Vice naman very open naman siya na dream niya talagang makasama si Maricel.”

As his movie competes against other major films in the festival, director Wenn said he is confident of his film. “Siyempre lagi kong pamantayan, gagawin ko ‘yung hinihingi sa akin na pagrabe ng pagrabe na nga ‘yung hinihingi nila. ‘Yon ‘yung part ko don sa deal, gagawa ako ng pelikulang pampamilya pang film fest, ‘yun talagang nakakatawa mamaya-maya, tapos ‘yung tandem namin ni Vice dapat ‘mas’ doon sa mga nauna naming nagawa pagkatapos non kapag na-deliver ko ‘yun, pag sinabi nilang okay, maganda, nakakatawa, kamapante na ako non,” he said.

Is he feeling any pressure now? “Hindi naman talaga pressure na dapat kumita talaga, wala namang ganon. Ang naging pamantayan natin kay Vice sa pagawa ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy, di ba performer si Vice sa comedy bar, pero never natin siyang nakita bilang isang seryosong aktor so ‘yung naging pressure sa aming dalawa na lumabas talaga na maniwala kayo na hindi iisang tao ang gumanap nong apat.”

He added, “’Yun ang naging challenge sa akin na papaniwalain ko kayo na apat talaga sila, hindi lang isa at pakiramdam ko naman kasi napanood ko na, napagtagumapayan ko ‘yan. Siguro kalahati, wala pang kalahati ng pelikula, makakalimutan mong iisang tao ang gumaganap.”