• Home
  • Fresh Scoops
  • The cast of 'Pagpag: Siyam na Buhay' admit they believe in the practice of 'pagpag'

The cast of 'Pagpag: Siyam na Buhay' admit they believe in the practice of 'pagpag'

The cast of 'Pagpag: Siyam na Buhay' share their beliefs about funeral and burial practices.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/13/2013 9:17 AM
The cast of 'Pagpag: Siyam na Buhay' admit they believe in the practice of 'pagpag'


121313-Pagpag1_Main.jpgPaulo Avelino
Nagagawa ko rin magpagpag hindi lang dahil sa takot na baka sumama sa akin yung espiritu nung nasa burol kundi para magtanggal na rin ng bigat na nakukuha mo dun sa burol.”

Shaina Magdayao
“Lumaki ako sa pamilyang naniniwala sa pamahiin ng pagpapagpag so kapag dumadalaw kami we make sure na dumadaan kami kahit sa gasoline station man lang. Talagang ginagawa namin, sinusunod po namin yun.


Daniel Padilla
“Naniniwala ako dahil parang nag pagpag hindi lang kailangan sa burol eh, sa mga ibang lugar din, kahit saan ka galing. Basta naniniwala ako.”

Kathryn Bernardo
“Naniniwala din ako sa mga pamahiin especially pagpapagpag. Ever since bata ako ginagawa na namin yun pag pumupunta kami sa isang wake. Tapos wala namang masama kung sumunod ka. Eh since duwag pa ako talagang pumupunta muna ako somewhere bago umuwi, hindi diretso sa bahay.”

Michelle Vito
“Kami pag pumupunta ng patay may dinadaanan kaming iba. Hindi ko alam kung yung pamahiin ay totoo o hindi pero wala rin namang masama kung susundin namin.”

Miles Ocampo
“Naniniwala ako sa pagpag kasi yung mga lola ko sabi nila totoo yun at meron pa silang isang sinabi na yung sinuot mo sa burol na pinuntahan mo, wag mo ulit isuot, ilagay mo kaagad sa madumi or huwag mo iwan sa loob ng bahay, dapat nasa labas.”

CJ Navato
“Hindi ako nainiwala sa ganyan. Usually ako pag nasa burol ang daming tao so pag uwian na nakakaantok na so ako diretso na ako sa bahay.”

Janus del Prado
“Naniniwala ako pero konti lang yung alam ko diyan. Yung kailangan magpagpag ka bago ka dumiretso sa bahay para sa mga espiritu na nakasama, yun lang.”

Dominic Roque
“Nakalakihan ko na magpagpag pagkagaling sa burol. Sinsasabi sa akin ng tita ko na tuwing pupunta kami ng burol dapat dadaan kami sa 7-Eleven or sa isang kainan bago umuwi sa bahay so lagi kong naiisip yun pag pumupunta sa burol.”

Clarence Delgado
“Hindi po ako naniniwala sa mga pamahiin.”