• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon talks about the possibility of courting Jessy Mendiola

Ejay Falcon talks about the possibility of courting Jessy Mendiola

Ejay Falcon doesn't have any current plans to be involved in a relationship or to court good friend Jessy Mendiola at the moment.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/13/2013 9:09 AM
Ejay Falcon talks about the possibility of courting Jessy Mendiola


121313-Ejay_Main.jpgAbala si Ejay Falcon ngayon sa dalawang pelikulang kabilang sa Metro Manila Film Festival. Isa dito ay ang independent film na Saka Saka kung saan kasama niya si Joseph Marco at Baron Geisler at ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy kung saan kasama naman si Vice Ganda. Ngunit aminado ang aktor na mas maluwag ang kanyang panahon ngayon para sa sarili. “Medyo hindi na gaya ng dati na everyday nagte-taping. Medyo nakakapahinga naman so okay naman ngayon, mas may oras na sarili kasi walang ginagawang teleserye, yung pelikula naman hindi tuloy-tuloy ang shooting so pahinga.”

At kung mas may panahon na siya makipagdate at makipagkilala sa ibang mga babae, “Oras makipagdate? Group date. May oras ako para sa mga barkada ko, sa mga kaibigan ko. Kasi dati nung nagdu-Dugong Buhay ako, nagsho-shoot din ako ng movie so everyday akong busy so hindi ko nabibigyan ng sapat na panahon. Ngayon, nabibigay ko medyo sa kanila.”

Ngunit iginiit ni Ejay na single siya ngayon at wala siyang dine-date. “Wala po, wala pa. Hindi naman ako nagmamadali at masaya naman ako sa buhay ko ngayon. hinihintay ko din ngayon na kung darating, darating pero sa ngayon wala pa po.” 

Noon pa man aminado si Ejay na malaki ang paghanga niya sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo. At sa muli nilang pagsasama ni Jessy Mendiola sa katatapos lang na pelikulang Call Center Girl, may mga ilan na iniuugnay silang dalawa lalo pa at halos lahat ng nakakatambal ni Jessy ay malaki ang nagiging paghanga sa kanya. Ngunit agad na itinanggi ito ni Ejay. “Hindi si Jessy kasi matagal ko nang kaibigan yan bago pa siya mag-Sabel kasi nakasama ko siya sa dati niyang teleserye, yung kami nina Erich (Gonzales) na Katorse si Jessy kasama na namin dun. Kaibigan ko na rin siya dun at hanggang ngayon lumalabas din kami as a group pero ayun mabait naman siya, maganda pero siguro kaya maraming nanliligaw pero ako, hindi ko na muna iniintindi yun. Kailangan ko siguro muna ng sapat na panahon para makilala yung isang tao ayaw ko kasi na yung parang nagandahan lang ako saka ko liligawan.”

Naniniwala din si Ejay na malaki ang naging pagbabago ni Jessy mula noon na nakasama niya sa nakikita niya ngayon. “Yun nga, mas binuksan niya na yung  sarili niya para sa lahat. Dun mo makikita na si Jessy Mendiola. Kasi dati di ba tahimik lang, makikita mo sa isang sulok, sa isang gilid pero ngayon.”

Kaya naman kung may plano ba siyang liagawan ang dalaga, “Naku dadagdag pa ba ako? E ang dami-dami [na nila]. Siguro hindi muna ngayon kasi ang busy din ng tao. Sinabi niya na nga na sa sarili niya wala na din siyang oras paano ba siya maliligaw niyan? Ayaw ko maapektuhan yung pagkakaibigan namin at kung ano ang meron kami. Maging magkaibigan muna kami. Tignan natin kung magkatrabaho ulit kami diba. Ayaw ko naman magsalita ng patapos pero kapag nagkatrabaho ulit kami tignan natin.”