Pokwang talks about the new man in her life right now

Pokwang confirms being inspired right now because of a French volunteer whom she met while taping an episode for 'Kris TV.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/11/2013 8:00 AM
Pokwang talks about the new man in her life right now


121113-Pokwang_Main.jpgMalaki ang pasasalamat ni Pokwang dahil kahit na sunod-sunod ang trahedyang dinanas ng mga Pilipino ay tinangkilik pa rin ang kanyang pelikulang Call Center Girl. “It’s time naman na magpasalamat tayo ‘di ba? Kasi pinakinggan yung dasal natin at tinangkilik yung pelikula.”

Aminado si Pokwang labis ang kanyang naging pag-aalala sa magiging resulta sa takilya dahil sa mga nangyari. “Yes, oo naman, oo. Hindi naman natin masasabing wrong timing pero hindi maiiwasan e, nature yan e, sabi namin idasal na lang natin ito, idasal natin.” 

Bago ipalabas ang pelikula, may ilang nagsasabi na hindi diumano papatok ito dahil sa kabila ng mga nangyari ay isang komedya pa ang tema ng pelikula na sinasabing hindi diumano angkop sa sitwasyon ng bansa ngayon. Ngunit sa ginanap na victory party para sa pelikula, ang kanyang mga reaksiyon sa mga nagpapakalat nito, “Ang reaksiyon ko lang wala talagang imposible sa dasal yun talaga. Kasi yung pelikula ginawa namin na punong-puno ng pag-asa. Yung grupo namin, sana nga maging way para yung mga Pilipino maibalik yung ngiti sa kanila sa kabila ng ating lungkot ng ilang linggo, ‘di ba?”

Sa mga magagandang nangyayari ngayon kay Pokwang—mula sa kanyang certified box-office hit na pelikula, ang seryeng Mirabella kung saan siya kabilang at ilang mga proyekto, tila may bagong pag-ibig na umuusbong sa pagitan ng komedyana at ng isang French volunteer na nakabase sa Pilipinas. Nagsimula ito ng mag-guest co-host si Pokwang sa Kris TV at nagtungo sila sa Gawad Kalinga Enchanted Farm sa Bulacan kung saan sila nagkakilala ng 25-year-old French volunteer na si Fabian. Aniya, “Siya yung volunteer dun na napakabait na banyaga na may pusong Pilipino na tumutulong sa kapwa nating Pilipino.”

At mula sa tuksuhan, nagsimula na silang magkaroon ng komunikasyon, “Yes, oo. Nagtetext lang, nagha-hi hello lang. Kasi mabait naman si Fabian saka natutuwa siya at cute na cute siya sa mga nangyayari.” Sa katunayan ay inimbita ni Pokwang si Fabian sa isang block screening ng Call Center Girl,Oo sinama ko siya sa block screening. Actually, naghanap kami ng interpreter, hindi ko din kinaya, hilong-hilo din ako pero mukhang nage-enjoy naman siya.”

At kung bukas ba si Pokwang sa posibilidad na kung sakaling manuyo si Fabian sa kanya, “E kaso hindi e, friend lang talaga eh. Ung halimbawa? Ayan nahirapan ako bigla. Huwag naman ganun kabata. Nacu-cute-an lang talaga ako sa kanya at napakabait. Pusong Pilipino siya kaya natutuwa ako sa kanya.” At ang rason kung bakit kung saka-sakali ayaw ni Pokwang, “Ayaw ko naman ng ganun kabata. Ayaw ko, ang lakas maka-cougar, ayoko.”

Ngunit sa kasabihang, ‘In love, age does not matter”, ang kanya nang naging reaksiyon dito, “Bahala na. Kung sincere naman diba bakit hindi?” Dagdag pa ni Pokwang, tuloy-tuloy pa rin ang kanilag komunikasyon, “Ma-ano siya, mahilig siyang mangamusta lang at nangako ako na pagluluto ko siya ng Tinola e dahil sa pelikulang ito hindi ko pa nagagawa yung promise ko sa kanya. Siguro one day padala ko na lang dun.

Hindi pa man nakikilala ng kanyang anak na si Mae si Fabian, bukas naman si Pokwang sa posibilidad na ito, “Tignan natin. Ayun agad-agad na, umabot na talaga tayo dun. Siguro one day ayain ko siya with some other friends.” 

At sa namumuong istorya nila ni Fabian, may isang kinumpirma si Pokwang tungkol sa kanilang dalawa, “Nakakawala ng pagod. Kapag nakita mo yung mukha niya nakakainspire, yun na siya.