• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband is not affected by rumors linking Luis Manzano to his breakup with Angel Locsin

Phil Younghusband is not affected by rumors linking Luis Manzano to his breakup with Angel Locsin

Phil Younghusband says he and Angel Locsin know the real story behind their breakup and what matters is that they are still friends.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/10/2013 8:22 AM
Phil Younghusband is not affected by rumors linking Luis Manzano to his breakup with Angel Locsin


121013-Phil_Main.jpgSa panayam ng Push.com.ph sa Azkals player na si Phil Younghusband, ibinahagi nito ang magandang balita sa pagkakapanalo ng kanyang football team at sa nakaraang UFO Cup. “Nanalo kami ng UFO Cup at nanalo ako ng MVP. I am very happy that we won and it’s [been] three years that we have been waiting for this trophy so now pwede akong magpahinga and rest and I can look forward to Christmas and be with my family.”

Magbabakasyon si Phil sa England ngayong Pasko. “Pupunta ako sa England for two weeks and then babalik ako pagkatapos ng New Year so I will just be seeing some friends in England and then I’ll be coming back.”

At sa planong ito ni Phil na bumalik sa kanyang bansa, iginiit niyang walang kinalaman ito sa kanyang breakup sa aktres na si Angel Locsin. “No, no, no, no, no. I just want to see my friends and I have not been back to England in the last four years so I just want to go back and see may friends. I am going for two weeks so it is just a short trip.”

Ayon din kay Phil, matagal nang naplano ang biyaheng ito. “It was really planned. I want my sister to come but she has school until just before Christmas so she can’t come so after the New Year we will be able to spend time with her.”

Sa pagkumpirma nila ng kanilang hiwalayan ni Angel, maraming mga spekulasyon ang lumabas tungkol dito. Isa sa mga rason na kinumpirma ni Angel tungkol sa kanilang naging hiwalayan ay ang kawalan ng oras sa isa’t isa. Ngunit marami pa ring mga lumalabas na spekulasyon sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Ayaw na rin patulan ni Phil mga ito, aniya, “Right now I don’t really want to talk about it and I just want to concentrate on my football at the moment and spend time with my family.”

May ilang mga balita din daw na lumalabas na ikinakabit ang pangalan ni Luis Manzano sa hiwalayan nila ni Angel, na mas lalong nabigyang-ingay sa halos sabay nilang pakikipaghiwalay sa mga nakarelasyon. At nang matanong si Phil kung apektado na ba siya kapag nakakarinig siya ng ganitong mga balita, “Not really. I know Angel nearly for three years so... she knows the truth and I know the truth.”

Ngunit kahit na hindi na magkarelasyon, inamin ni Phil na magkaibigan pa rin sila. Sa katunayan ay may komunikasyon pa rin ang isa’t isa, “Yes we are still talking. Yes we are friends, and I still support her and no matter what she does, I will always be here to support her. I’ll watch the Legal Wife, I’ll watch her movies. I want to support her.” Dagdag pa ni Phil, “I want to know what’s going on and I let her know that I won the UFO Cup final, things like that so we are still friends.”

Ngunit sa tanong na kung bukas na ba sa Phil makipagdate at muling buksan ang puso sa pag-ibig, ang diretsong sagot ni Phil, “Not now, no. Not open to dating.”