• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca reacts to the Teng brothers' admiration for Jessy Mendiola

Jake Cuenca reacts to the Teng brothers' admiration for Jessy Mendiola

Jake Cuenca says that he is still all eyes on co-star Jessy Mendiola.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/10/2013 12:25 AM
Jake Cuenca reacts to the Teng brothers' admiration for Jessy Mendiola


111013-jake_main.jpgKamakailan ay nakapanayam ang Teng Brothers, si Jeron at Jeric, tungkol sa pagbukas ng pinto ng show business sa kanila. Bukas din sila sa kanilang pag-amin ng paghanga sa aktres na si Jessy Mendiola. Tila nga ang dami nang naghahayag ng interes sa aktres, maliban kay Sam Milby, isa din si Jake Cuenca na bukas sa paghanga at pagtingin sa co-star.

Kaya naman ang pabirong hamon nila sa mga nanliligaw din kay Jessy ay magtapat-tapat sila at daanin sa paglalaro ng basketball. Sa press conference ng pelikula ni Jake Cuenca, may sagot din siya sa hamon ng magkapatid, “Eh di magfootball kami at kung sino ang mas magaling. Mag-soccer kami tignan natin kung sino ang mas magaling. May ganun ah? (laughs) Kung magbabasketball ako mag-soccer kami, game ako. Kung papayag sila mag-soccer basketball kami.”

Sa dami ng mga humahanga ngayon kay Jessy at naghahayag ng kanilang damdamin sa dalaga, para kay Jake, hindi niya nakikitang isang laro ang lahat ng ito. Aniya, “For me, it’s not a game. For me, love is not a game at kung seryoso ka sa isang tao hinid mo dapat ganun tinitignan.” Ngunit sa tanong na padagdag na ng padagdag ang kanyang mga kakumpetisyon kay Jessy, “Hindi ko iniisip yun eh, again may the best man win at kung sino ang makakapagpasaya kay Jessy yun ang best man pero yun naman ang importante e. Tulad ng sinabi ko dati ayaw ko ng nagpapasikat masyado kasi hindi naman yun ang totoong pagkatao ng isang lalaki.

Nang kamustahin ang lagay nila ni Jessy, ang matipid na sagot ni Jake, “Okay kami ni Jessy, at yun lang ang masasabi ko.”

Maging sa kanyang co-star sa pelikula na si Cristine Reyes ay natanong din si Jake kung hindi ba siya kailanman nagsaad ng pagtingin o paghanga sa aktres. “Hindi, magkaibigan lang kami. Naka-ilang teleserye kami at yun.” Ipinagtapat din ni Jake ang dahilan kung bakit hindi niya kailanman naisip na ligawan si Cristine. “Best friends kami ni Dennis [Trillo] pero magkaibigan kami ni Cristine.”

Kung matatandaan, matagal din na nakarelasyon ni Cristine si Dennis. Ngunit ang kanyang paglilinaw tungkol dito, “Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Cristine? I mean ang ganda niya talaga siguro yung circumstances lang na best friend ko si Dennis at vina-value ko yung pagkakaibigan namin ni Dennis.” Dagdag pa ni Jake, “Siguro matagal naman na talaga yun pero vina-value ko pa rin [ang pagka]kaibigan ko kay Dennis saka walang pagkakataon e, kapag may boyfriend si Cristine, single ako. Kapag ako may girlfriend, si Cristine [ako] ay single.” 

Ngunit sa ngayon ay nasa iisang tao lamang nakatuon ang pagtingin ni Jake. “Ano naman ako ngayon tulad ng sinabi I think my attention is on Jessy at yun.”