• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann is happy that she is out of the Nikki Gil-Billy Crawford breakup issue

Andi Eigenmann is happy that she is out of the Nikki Gil-Billy Crawford breakup issue

Andi Eigenmenn feels vindicated now that she is out of the Nikki Gil-Billy Crawford breakup issue.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/8/2013 10:05 PM
Andi Eigenmann is happy that she is out of the Nikki Gil-Billy Crawford breakup issue


110913-andi_main.jpgSa grand presscon ng pelikula ni Andi Eigenmann, una nitong sinagot ang mga isyu at balitang kumakalat na may relasyon sila diumano ng kanyang Galema: Anak ni Zuma co-star na si Matteo Guidicelli kahit na nadidikit ang pangalan ni Matteo kay Sarah Geronimo. “He and I have been good friends since 2007 before we entered showbiz so huwag na sana husgahan yung friendship namin. If we do end up together, I don’t think we need to hide it.”

Iginiit din ni Andi na hindi sila nagde-date ng actor-triathlete, “I am happy with my own life and yes, Matteo and I are just good friends. We are not a couple.”

Sa mga naunang panayam ni Andi, emosyonal ito sa sinapit ng “special relationship” nila ni Jake Ejercito. Ang mga naging problema nito ay ang sinasabing pangingialam ng ina nito na si Jacklyn Jose sa kanilang relasyon, ang hindi pag-sang ayon ng mga magulang ni Jake kay Andi, at ang balitang kumakalat na si Andi diumano ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Nikki Gil at Billy Crawford. Inamin ni Andi na nakaapekto ito sa kanila ni Jake. Ngunit may balitang kumakalat kamakailan na nakita daw sila diumano ni Jake sa Singapore na magkasama, at hindi daw totoong naghiwalay na sila. “Paano kami nag-split kung hindi pa kami? Charot! Ang yaman ko naman.”

At sa pagkakalink sa kanya sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil, pakiramdam nito ay nabigyan siya ng hustiya at napatunayan na wala siyang kinalaman dahil na rin sa mga lumalabas na balita sa pagkakaugnay ni Billy sa co-host nito sa Showtime na si Coleen Garcia. Aniya, “I guess that just proves [my innocence]. And I am really happy that you know, that justice prevailed and I am nanahimik with my own life and yes yun nga po, I just want to take care of my own relationships. I am not confirming nor denying anything. Jake means a lot to me, he is special to me pero yun hanggang dun lang.

At sa nalalapit na Pasko kung magkikita ba sila, “I hope so. We always see each other whenever he comes home.”