• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikki Gil answers issues about Billy Crawford's supposed affair with Coleen Garcia

Nikki Gil answers issues about Billy Crawford's supposed affair with Coleen Garcia

Nikki Gil says it's no longer her business whatever ex Billy Crawford does.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/8/2013 7:31 AM
Nikki Gil answers issues about Billy Crawford's supposed affair with Coleen Garcia


110813-Nikki_Main.jpgSa launching ni Nikki Gil bilang endorser ng isang clothing line, very sexy at very seductive ang campaign nito. Very fit din na humarap sa press si Nikki Gil na proud na pinakita ang kanyang abs. Kaya naman hindi napigilan ng mga press na tanungin siya tungkol sa tilang bagong image niya na ito. Aniya, “I wouldn’t say new, but I think it is a part of me that people haven’t seen yet. Pero hindi naman sa bago yan. Feeling ko may ganyang factor din ako hindi ko lang na-uunleash.”

At ang naghudyat sa kanya sa bagong imaheng ito, “I don’t think I need to answer, clearly, lahat naman ng babae kapag may pinagdaanan, it brings out a certain courage and strength and a certain drive to better yourself and I think this is just that. I’m more confident, because nga meron kang pinagdaanan, nagka-extra courage and extra strength to do everything in all areas in your life.” Ilang buwan na ang nakakaraan ng naghiwalay sila ng singer-host na si Billy Crawford.

Kahit na maraming magagandang nangyayari sa karera ni Nikki ngayon, sinasabi ng dalaga na hindi naman niya iniisip na ganti ito sa sinapit ng relasyon nila ni Billy. “No. I wouldn’t, I really don’t want to say, I really don’t want to look at it why, I am really just thankful. Meron nga akong nabasa that you know you are in the center of God’s will when you are just grateful with everything that is happening in your life. Parang nao-overwhelm lang ako, sa sobrang overwhelmed ko wala akong time na isipin yan. For me, its just that God you have been so good to me all throughout everything and meron pang bonus. Ang bait-bait mo na nga sa akin, you have given me such a good life and you have saved me from whatever at heto pa may bonus pa.

Ayon pa kay Nikki, “Hindi kasi mafi-feel mo lang yun if you want the person back. Okay na yun. Iwan na natin yun. Hindi ko iniisip yun. Why? It’s such a waste of time parang for me I’m just happy, I am not just doing this for anyone else. I want to stay fit for myself, this is clearly for the brand and wala naman akong efforts at wala akong time.”

Sumagot na din si Nikki sa isyung madalas na nakikitang lumalabas ang kanyang ex-boyfriend na si Billy kasama si Coleen Garcia. Si Coleen, ayon sa mga balitang lumalabas, ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay si Billy at si Nikki. Dagdag pa dito ang mga litratong lumalabas sa internet na very sweet silang dalawa. Pinabulaanan na ni Billy at Coleen ang isyu, nagbigay na din ng reaksiyon si Nikki tungkol dito. “You know it’s really none of my business yan. Parang at this point kanila na yun, hindi ko na issue yun. What I can discuss is what I went through, that is all that I own what I went through, how I survived it, my learnings from it for the next time, that’s all that I have. But you know whatever’s coming out is none of my business.”

Ngunit nang matanong si Nikki kung napagdaanan niya na ba ang sinasabing pagiging “babaero” ni Billy kahit na noong sila pa, isang makahulugang sagot ang binitawan ni Nikki. “No comment. (laughs) Ayoko nang balikan yung nakaraan. It is what it is, whatever happened, happened. We have never really been, kahit naman na nung, while we were very much together, hindi naman namin dinidiscuss so ano naman yung point na idiscuss namin ngayon. For me yun lang ang hawak ko, I would like to use that nightmare and turn it into something good and turn it into story to inspire other women.”

At maging ang ginamit niyang salitang “nightmare” na inilalarawan niya sa  pinagdaanan niya sa dating karelasyong si Billy ay nakakuha din ng reaksiyon sa press/ “Sige huwag nightmare, turn that episode and I’m sure a lot of women can relate to that and I just want to turn it into something good. Maraming nagtwe-tweet sa akin na they are going through the same thing and I want to encourage them that it’s not the end of the world that you can bounce back and be able to and life goes on and learn to be happy. Everyone has their own story, I don’t know what’s going on the other side of the fence and all I am concerned with is what’s going on with me and my life and the good things that our coming my way.” 

At sa lahat ng kanyang pinagdaanan, aminado si Nikki na masaya siya sa buhay niya ngayon. “Of course I am not saying it to convince myself that I am. Siyempre I think I am a nurturing person and coming from a five-year relationship I’m used to being half of a couple and taking care of a person, of course there’s that. But it’s the feeling of being a partner that I miss, not that particular season in my life. I am enjoying being single, I like going out, I like dating, fixing up and dating, nae-enjoy ko siya.”