• Home
  • Fresh Scoops
  • Frasco Mortiz on working with KathNiel: 'Makikita mo kung gaano sila ka close together'

Frasco Mortiz on working with KathNiel: 'Makikita mo kung gaano sila ka close together'

'Pagpag' director Frasco Mortiz shares his experience working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

BY KRISTHOFF CAGAPE

Twitter: @kristhoff_cgp

FRESH SCOOPS

11/30/2013 12:00 AM
Frasco Mortiz on working with KathNiel: 'Makikita mo kung gaano sila ka close together'


113013-Frasco_main.jpgFrasco Mortiz directs the sole horror film in this year’s Metro Manila Film Festival titled Pagpag starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. In an exclusive interview with Push.com.ph, the director shared his experience working with two of the biggest teen stars of this generation.

Siyempre makikita mo kung gaano sila ka close together, alam na nila ‘yung gagawin nila, alam na nila ‘yung kiliti ng bawat isa pag may eksena. Pero siyempre hindi kami titigil hanggang hindi nila nabibigay ang hinihiningi namin siyempre ‘yun lang ‘yung problem pag may ka love team ka for the longest time, ano nagiging at home ka, parang ang dating siyempre parang si Kath din ‘yung kausap mo parang hindi ‘yung character. So ‘yun ang binbantayan namin kasi ang hirap nung iba ang role mo tapos biglang bukas iba na naman ang role mo, balik ka na naman, ‘yun ang binabantayan namin so thankfully naman nagagawa naman nila ‘yung hinihingi namin sa kanila,” he said.

The director constantly reminded both to make the most out of the opportunities given to them. “Mahirap talaga sa artista na tumatalon from one character to another on a daily basis, dito sa atin talagang may show ka ngayon, may pelikula ka bukas parang naaawa ako sa kanila kasi nakikita mo minsan na may times na tahimik lang sila, pagod na. Pero sabi ko sa kanila ‘Kathniel moment niyo ngayon, so grab na hanggang sikat kayo, kayo ‘yung hinihingi ng tao’ masanay na kayo diyan. Ganon talaga ‘yung buhay hindi mo pwede makuha lahat eh parang nasa ‘yo ‘yung fame pero easy lang ‘yung work mo, hindi ganon eh,” he stated.

Frasco expressed how proud he is of Kathryn whom he worked with in Goin’ Bulilit for remaining down-to-earth. “Si Kathryn mula sa Goin’ Bulilit hindi siya nagbago, ganon pa rin siya natutuwa ako kasi ‘yung mga na-impart namin na values sa kanya ‘yung mga bata pa sila naalala niya kasi sabi ko hindi ka tatagal sa industry kapag mag-iba ‘yung ugali mo at kung hindi maganda ‘yung pananaw mo.”

Direk Frasco remarked that DJ and Kath will go far in the industry if they will continually strive to do better on their craft. “’Yung gigil na gumawa ng maganda [sana mag-remain] kasi may iba na kapag sumikat na [nawawala na ang gigil]. Pero nakikita ko sa kanila may gigil pa sila kasi mga bata pa sila. I’m sure malayo ang mararating ng dalawa kapag tuloy-tuloy ‘yung ginagawa nila. Huwag silang agad ma-blind don sa fame kasi ngayon wala na silang hihilingin eh nasa kanila na ang lahat eh sabi ko ang challenge ay i-maintain ‘yung kasikatan niyo hanggang tumanda na kayo kasi mawala ka lang ng isang buwan or less than a month, mawala ka lang sa TV, ang bilis makalimot ng mga tao so ‘yun ‘yung challenge eh para huwag silang makalimutan ng mga fans, sa mga tao na maniwala na may maibibigay pa sila pagdating sa pag-arte sa TV at sa pelikula na hopefully naman magawa nila para malinya na rin sa mga greats sa Philippines.”