Bea Alonzo denies 'cooling it off' with Zanjoe Marudo

Bea Alonzo says she does not understand why rumors of a rocky relationship with Zanjoe Marudo still persist.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/29/2013 8:32 AM
Bea Alonzo denies 'cooling it off' with Zanjoe Marudo


112913-Bea_Main.jpgNagsama-sama ang ilang mga maniningning na bituin ng Star Magic para sa Sunpiology Sunset Color Run na pinangunahan ni Piolo Pascual. Kabilang dito si Bea Alonzo at nakausap ng Push.com.ph ang aktres na ibinahagi na may bago siyang teleseryeng gagawin sa susunod na taon. “Meron sa January na soap opera pero niluluto pa lang siya ngayon, hindi pa naming masyadong pinagtutuunan ng pansin because of what happened (Typhoon Yolanda) pero nagkaroon kami ng meeting before Yolanda happened so yun, sa January ata kami magro-roll.”

Nagpatikim din si Bea sa kung ano ang aabangan ng mga fans sa bago niyang teleseryeng ito. “…isa siyang soap na I am excited about kasi matagal ko na ring hindi nagagawa ang ganitong feel ng soap. Yung last one kasi yung parang Maging Sino Ka Man yung ganung feel… Hindi siya lighter, para siyang soap opera, yung na-miss natin na soap, sina Amor Powers, yung ganun.”

Kapansin-pansin din na extra blooming at napakagaan ng aura ni Bea at ayon sa kanya, ang pagbabagong ito ay dulot ng positibong pagtingin sa mga nangyayari sa kanyang buhay at pahinga. “Parang everyday of my life now I have learned to count my blessings dahil sa mga nangyari sa iba. Minsan nga sinasabi ko bakit parang napakaswerte nating tao, napakaswerte kong tao na parang everything in my life right now parang sobrang okay tapos mapapanood mo sa TV alam mong hindi okay ang buhay nila, nawalan sila ng mahal sa buhay. Kaya siguro ganito ang pakiramdam ko ngayon, ganito yung aura ko ngayon because I have learned to count my blessings.”

Sinagot na din ni Bea ang hindi namamatay na issue na nag-cool off daw sila diumano ng boyfriend na si Zanjoe Marudo. “Ewan ko ba, mukha ba akong nakikipag-cool off? Hindi lang, ewan ko ba kung bakit gusto nila kami mag-cool off. Hindi ko alam… Ewan ko ba, baka gusto ng mga tao na naghihiwalay ang mga tao. Hindi ko din alam kung bakit kami nai-issue, wala nga kaming ganun e. Okay nga yun para magka-spice.” At ayon kay Bea hindi na nakakaapekto sa kanila ang ganitong mga isyu. “It does not affect us anymore, wala na ngang selos-selos e, nakakatawa.” 

Sa tanong na kung paano kung biglang mag-propose ng kasal si Zanjoe sa kanya, aniya, “Huwag naman, huwag muna. Hindi pa. Saka hindi niya pa gagawin yun, alam niya na pareho kaming hindi ready.” At sa kung kalian niya balak lumagay sa tahimik, “Sana mga five years from now.”

Dagdag pa ni Bea, “Alam mo lagi kong sinasabi ito na hindi ko na mababalikan ito, I’d rather ma-explore ko na yung mga dapat ko ma-explore bago ako mag-asawa kasi yung pag-aasawa naman pakiramdam ko naman madali naman yan. Once you are there hindi mo na mababalikan kung ano yung meron ka ngayon, at 26 pa lang naman ako ngayon.” 

Ngunit umaasa si Bea na sana sila na ni Zanjoe ang magkatuluyan. “I hope so. Saka lahat naman ng nakakarelasyon natin, hindi ka naman papasok sa relasyon na hindi mo iisipin na siya na. parang nagwa-waste ka lang ng time.”