Jeric and Jeron Teng talk about possibly entering showbiz

Jeric Teng is considering entering showbiz and would really like to work with Jessy Mendiola while brother Jeron just wants to focus on playing basketball.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/27/2013 9:34 AM
Jeric and Jeron Teng talk about possibly entering showbiz


112613-teng_main.jpgEkslusibong nakausap ng Push.com.ph ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng sa isang autograph signing event tungkol sa tila bagong buhay nila matapos ang UAAP Championship. Magkalaban ang magkapatid dahil sa magkaiba nilang nilalaruang eskwelahan. Ang mas matandang si Jeric ay naglalaro para sa University of Sto. Tomas at si Jeron naman ay para sa De La Salle University.

Ngayong kaliwa’t kanan ang kanilang mga ginagawa at padami nang padaming mga tagahanga, hindi pa rin nila naisip na sikat na sila. Ayon kay Jeric, “Actually hindi pa nagsink-in sa amin e. We are just happy and we are just blessed na maraming sumusuporta sa amin and we are thankful for all of them.”

Dagdag pa ni Jeron wala silang kinailangang adjustment sa kanilang naging kasikatan sa ngayon. “Wala naman, kasi its parang normal for us lang, we are just very thankful to all our supporters and we just feel so blessed lang and happy.”

At para kay Jeric napaka-importante ng kanilang mga tagahanga sa kanila. “We make sure that we have time for them dahil siyempre they have time for us kaya mas maganda we spend time for them.”

Sa naging pabirong paghamon ng magkapatid na Teng sa mga nagpapahayag din ng paghanga sa aktres na si Jessy Mendiola na daanin na lang ito sa basketball, si Jake Cuenca naman ay pumayag basta sila naman ay maglalaro ng football. Kaya naman sa muling reaksiyon ng magkapatid dito, lalo na si Jeric, “Wala naman yun, there is no competition between us. Wala naman.”

Sa naging panayam kay Jessy, ibinahagi ng dalaga na natuwa ito kay Jeric sa pag-tweet nito sa pinapalabas na eksenang inaapi siya at sinasaktan sa Maria Mercedes. Ang reaksiyon ni Jeric, “Ay wala kasi that time nasa bahay ako and I was done with practice tapos napanood ko yung episode niya na yun. Sobrang kawawa naman siya, wala lang naawa lang ako.

Sinabi din ni Jessy na kung sakaling ayain siyang makipag-date ng dalawa ay payag naman ito, at ang agad na reaksiyon ni Jeron tungkol dito ay, “Sino? Dalawa kami e.” Ngumiti si Jeric at sinabing, “We are just happy that Jessy is so nice to us and wala, idol namin siya.” Ngunit handang magparaya si Jeron para sa nakatatandang kapatid na mas malaki ang paghanga kay Jessy, “Siyempre, kuya first.”

Matatandaang nag-guest sa teleseryeng Got To Believe si Jeron kaya naman nang matanong kung masusundan pa ba ito, “Ah wala lang yun. Extra lang for me. The season just ended and I had nothing to do so for the meantime pumayag ako. I had fun naman.

Ngunit walang plano si Jeron na tuluyang pumasok sa showbiz. Aniya, “No interest in showbiz. Siyempre my priority is school so I am in school pa in La Salle and I have lots to do pa e.” Salungat naman ito kay Jeric na nais subukan ang showbiz. “Yes, mukhang masaya naman.” At sa kung sino ang gusto niyang makapareha kung sakaling mabigyan ng pagkakataon, “Jessy , Jessy talaga. Loyal tayo, loyal.”

Catch Jeric and Jeron Teng in the December issue of Working Mom Magazine where their mom Susan talks about raising basketball superstars.