Jessy Mendiola talks about the men being linked to her

Jessy Mendiola says that even with some men expressing their interest in her, she is not ready for a serious relationship yet.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/22/2013 11:30 PM
Jessy Mendiola talks about the men being linked to her


112313-Jessy_main.jpgSa panayam ng Push.com.ph kay Jessy Mendiola, aminado itong nahirapan siya sa kanyang pinakabagong pelikula na Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang dahil mas sanay siya sa drama at hindi sa pagpapatawa. “Dramedy kasi siya, so ako yung drama sa comedy pero nakakatuwa kasi it’s a new experience na puro comedians ang kasama mo at very well known comedians. Nung una nahirapan ako makipagsabayan kasi nasanay ako ng drama pero tinulungan nila ako at nasanay ako sa pagiging spontaneous sa comedy so dire-diretso na rin naman hanggang sa ending ng movie.”

Sa Maria Mercedes, isang mapang-akit na Jessy ang napapanood sa kanya. Sa Call Center Girl, ayon kay Jessy, ang “bugnutin” at “rebellious” side naman niya ang mapapanood dito. “Kumbaga may mga anak na makakarelate sa character ko bilang kasi nawalay siya sa anak kasi yung character ni Mamang Pokie OFW siya, nagtrabaho siya sa cruise ship tapos nawalay siya sa mga anak niya at ako yung pinakabunso so I never really experienced yung care ng mother so yun ang kailangan sa nilang abanagan sa character ko kung paano ko ba ico-cope yung character ko sa pagbabalik ng nanay ko na matagal ngang nawala.

At napag-usapan ang ilan sa mga lalaking nalilink ngayon sa aktres tulad na lang ng Teng Brothers na sina Jeron at Jeric, Jake Cuenca at Sam Milby. Ayon kay Jessy, pagdating kay Jake hindi pa rin ito sigurado kung nanliligaw ang binata dahil ayon sa dalaga. “Hindi kasi for me kapag nanliligaw ang isang tao sasabihin talaga niya sa iyo na ‘I am courting yo’u so for me kapag may mga pahapyaw, mga paramdam-paramdam pero iba pa rin. Jake is a very sweet guy, but I am not sure if dahil co-actor niya ako kaya ganun.”

Maging ang mga sikat na basktebolistang Teng Brothers na sina Jeron at Jeric ay nagsaad din ng kanilang paghanga sa dalaga na ikinatuwa din ni Jessy. Kwento niya, “Nakakatawa kasi si Jeric, (UST Tigers player) two weeks ago ba yun or last week, he tweeted, he commented about Maria Mercedes napanood niya yata yung nagsasabunutan na kami ni Nikki (Gil), ni Ms. Vivian (Velez) na parang sinasabi niya na, ‘tama na please.’”

Sa panayam noon sa magkapatid, hinamon nila ang mga ibang nanliligaw kay Jessy na daanin na lang nila sa paglalaro ng basketball ang panliligaw, at nang kunin ang rekasiyon ni Jake dito, hinamon naman niya sa pamamagitan ng paglalaro ng football ang magkapatid. Kaya naman ang reaksiyon ni Jessy na siya ang rason ng pabirong paghamon ng dalawa, “Hindi ko alam, ano ba dapat ang reaction ko dun? Hindi ko din alam, nakakatuwa kasi nagbibiruan sila but then again, bilang babae nakaka-flatter and siyempre ang ganda mo ‘di ba? Ang gu-gwapong mga lalaki, ang babait na lalaki nagkakagusto sa iyo but hindi ko alam kung ano ang ire-react ko dun. Nakakatuwa lang? I don’t think they are taking it seriously, biro-biro lang.” 

Sa ginagawang pagpaparamdam ng magkapatid, kung sakaling ayain siya sa isang date, ayon kay Jessy wala namang masamang ituloy nila iyon. “Why not? But I mean there is nothing wrong going out on a date or going out as friends but for now I am not really ready muna for a serious relationship because I am taking my work very seriously.”

Pagdating naman kay Sam, aminado siyang mas malapit sila ngayon ng actor. “Ah yes. I can say na oo naman kasi ilang months na siyang nanliligaw. We are, kumbaga si Sam he knows a lot about me, I know a lot about him, normal courting stage.” At iginiit na very consistent ang binata, “He is very consistent, si Sam kahit na nasa States siya.

At sa sinabi ni Sam sa isa sa kanyang mga panayam na pagdating ng Disyembre ay magiging sila na, ang makahulugang sagot ni Jessy, “Tanong niyo na alng ulit ako kapag December na.