• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil addresses issue regarding fans banning his concert

Enrique Gil addresses issue regarding fans banning his concert

Enrique Gil admits that fans do sometimes feel mad or not happy with how things go that result with such issue but he says that at the end of the day they will all be there to support him.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/20/2013 9:50 AM
Enrique Gil addresses issue regarding fans banning his concert


112013-Enrique_main.jpgSa ginanap na bloggers conference para sa nalalapit na concert ni Enrique Gil na King of the Gil sa November 29 sa Araneta Coliseum, kinamusta siya ng Push.com.ph sa mga preparasyong ginagawa niya para dito. “Nagtratraining ako sa gym. Yun nga may coach ako na kinuha so yun training, sumasayaw and I check out videos to pump myself up. Yung mga video nina Usher, Justin Bieber so para medyo may idea.”

Aminado din si Enrique na hindi pa nagsisink-in sa kanya kung gaano kalaki ang kanyang concert. “Hindi pa. Siguro pag punta ko sa stage dun ko pa lang mare-realize pero ngayon hindi pa. I think magsa-stage blocking kami a week before or a couple of days before. Kapag nakita ko na yung stage siguro dun pa lang magsi-sink-in sa akin na, ‘Uh oh, Araneta nga talaga.’”

Lumabas sa mga balita kamakailan na ang fans diumano ng love team nila ni Julia Montes ay iba-ban ang kanyang dance concert kapag parte si Liza Soberano dito. Si Liza ang naging love interest ni Enrique sa box office hit na pelikula She’s The One.

Sa tanong na kung apektado ba siya sa mga balitang tulad nito, “Sa akin hindi naman, minsan kasi may mga fans na nagagalit, nagbabash, hindi ko pinapansin masyado kasi gusto ko nagco-concentrate sa concert. Yung mga fans minsan naaasar lang sila, naiinis pero lahat sila pupunta sila for the suporta and for the love and gusto ko that night isa kami lahat.

Hindi man nila masyadong napag-uusapan, ayon kay Enrique alam nina Julia at Liza ang nangyayari sa kani-kanilang mga fans. “Yeah, hindi naman talaga pinag-uusapan, alam na namin yun, we just know. Yung mga fans na nagagalit, ah talaga? Mga ganun lang.”

Sa laki ng kanyang concert kung saan marami na ang excited at nag-aabang, aminado pa rin si Enrique na apektado siya sa nangyaring bagyo sa Kabisayaan kaya naman parte ng kanyang talent fee sa nasabing dance concert ay ibinibigay niya para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. “It’s hard to celebrate pero siguro pampasaya lang ito sa lahat ng nangyari. At least yung concert na yun is to make people happy and part ng TF (talent fee) ko sa concert ibibigay ko sa mga victims.”