• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban says she isn't invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco's wedding

Angelica Panganiban says she isn't invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco's wedding

Angelica Panganiban says she and Pooh just want to see their friend Melai Cantiveros happy.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/19/2013 8:23 AM
Angelica Panganiban says she isn't invited to Melai Cantiveros and Jason Francisco's wedding


111913_Angelica_main.jpgSa launch ng isa sa mga bagong ineendorso ni Angelica Panganiban, ibinahagi niya ang gagawin niyang tulong—kasama ng mga kaibigan niya sa Banana Split—sa mga nasalanta at naapektuhan ng Bagyong Yolanda at ng lindol na kanila ding naranasan kamakailan lang. “Meron kaming binubuo ng Banana Split. Magpapa-auction po kami ng mga personal po naming gamit. May mga mahal tas may mura na may sentimental value sa amin. Tinatapos lang namin yung website niya hopefully by Tuesday next week makakapag-announce na kami yung mga pwede namin binenta at kung saan mapupunta yung mga inipon namin pera.

Dagdag pa ni Angelica, mas nararamdaman niya ang hirap ng mga nasa Kabisayaan dahil siya mismo ay nakaranas ng kalamidad nang lumindol noong nakaraang buwan sa Bohol kung saan sila dapat magsho-shoot ng anibersaryo ng Banana Split. “Yung grupo namin sa Banana Split, nag-usap-usap kami dahil sa nangyari sa amin sa Bohol. Binigyan kami ng pangalawang pagkakataon, nakaligtas kami, sobrang pinalad kami at sobrang blessed kami na nakauwi pa kami sa bahay namin at buhay kami hanggang ngayon, ayun. Yung mga kapamilya natin sa Visayas, meron silang pangalawang pagkakataon, para buuin yung mga nawala sa kanila. Malaking bagay lang siguro kung saan kami nanggagaling para makarelate kami ng sobra-sobra sa kanila. Gumagawa kami ng paraan hindi lang sa Samar kungdi sa buong Visayas na hinido lang sa Yolanda kundi sa mga nabiktima din ng lindol.”

Nagsalita na din si Angelica sa alitan daw diumano nila ng mapapangasawa ni Melai Cantiveros na si Jason Francisco. Nang matanong kung kamusta sila, “Okay naman.” Sa isa sa kanilang mga TV guesting na magkasama ang magkaibigang Pooh at Angelica, napag-usapan si Melai Cantiveros. Doon ay naglahad si Pooh ng saloobin tungkol sa kakayahan ni Jason na buhayin ang kanyang mag-ina, na ikinagalit diumano ni Jason. Kaya naman nang matanong si Angelica tungkol dito, “Hindi ko alam, hindi ko nakakausap si Jason Francisco at hindi ko rin naman alam yung number niya. Well kung ikinasama niya yung sinabi ng kaibigan ko na si Pooh, yun yun ehindi kasi masama yung intensyon ni Pooh, ang gusto kasing sabihin ni Pooh at nung ibang nagsasabi nun sobrang mahal namin si Melai at nag-aalala sila, hindi naman siguro niya kinukwestiyon. Ang gusto niyang mangyari talagang mapanindigan niya si Melai at buhay naman nila yan, labas na kami diyan. Yun na lang din ang sinasabi ko sa kanila nung may naririnig nga ako na masama daw ang loob sa amin so sinabi ko, ako na ang lalabas sa buhay niyo. Pagdadasal ko kayo, yun naman ang sinabi ko at gusto kong maging matagumpay sila sa larangan ng pag-ibig, ng pagbubuo ng pamilya, siguro ako tapos na yung obligasyon ko.”

At nang matanong kung imbitado ba siya sa kasal ng matalik na kaibigang si Melai, “Wala, hindi. Hindi din naman ako invited.” At hindi masama ang loob niya dito, “Hindi, Diyos ko, wedding nila yun i-enjoy nila. Kung wedding ko din may maririnig akong masama ang loob sa akin, naku… Magpaganda siya, magpa-bongga siya, at once in a lifetime yan kaya dapat siya ang pinakamagandang bride at dapat nasa World Book of records si Melai sa ganda niya.