Sagip Kapamilya reports on relief goods distribution

Mula sa Pinoy Big Brother activity center, nakapanayam ng TV Patrol noong November 15, 2013 ang Program Director ng Sagip Kapamilya na si Tina Monzon-Palma para ipaalam sa taumbayan kung saan napupunt

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/16/2013 9:05 PM
Sagip Kapamilya reports on relief goods distribution


111613-sagip_main.jpgMula sa Pinoy Big Brother activity center, nakapanayam ng TV Patrol noong November 15, 2013 ang Program Director ng Sagip Kapamilya na si Tina Monzon-Palma para ipaalam sa taumbayan kung saan napupunta ang kanilang donasyon para sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Ms. Tina, may walong lugar sa Leyte at Guiuan, Eastern Samar ang naabot ng tulong noong November 14. Nakipagtulungan sa Sagip Kapamilya ang militar at lokal na opisyal sa Eastern Samar. Nag-volunteer din diumano ang mga taga-Eastern Samar na ipamahagi ang mga relief goods. Nabigyan din ang Cebu ng walong toneladang relief goods, gano’n din ang mga bayan ng Sulu-an, Manicani, Homonhon na nakatanggap naman ng nasa pitong toneladang relief goods.

Para rin sa mga nais pang magpaabot ng kanilang tulong, ipinagbigay alam ni Ms. Tina na isasarado muna ang PBB house at Center Road para makapag-empake at maisaayos ang mga donasyon doon. Kaya naman, simula gabi ng November 15 ay ibubukas na ang Sgt. Esguerra Gate ng ABS-CBN para doon na tumanggap ng donasyon. Bukas ang Esguerra Gate hanggang 6 pm ng November 16. Matapos naman nito, ibubukas ang Fairview Warehouse para doon naman tumanggap ng mga donasyon. Ang address ng warehouse ay Bayantel, Regalado Ave., South Fairview, Quezon City. Malapit ito sa Far Eastern University area. Sinabi rin ni Ms Tina na magbibigay sila ng vicinity map para agad itong matunton ng ating mga kababayang nais magpahatid ng tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Nagbigay rin ng report si Ms Tina sa taumbayan tungkol sa tulong pinansyal na natatanggap ng Sagip Kapamilya. Ayon sa kanya, ang total cash donations as od November 15, 2013, 3 PM ay PhP179,475,429.70 at ang total pledges naman as of November 15, 4 PM ay PhP42,765,579.32.

Nagbigay rin ng isang milyong piso ang SkyCable. Kasama pa rito ang tulong na ipinaabot sa kanila ng kanilang mga suppliers. Magbibigay din ang Sagip Kapamilya ng report sa mga susunod na araw kung papano gagamitin ang mga natanggap na donasyon.