• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada says son Daniel Padilla was deeply affected during Typhoon Yolanda

Karla Estrada says son Daniel Padilla was deeply affected during Typhoon Yolanda

Karla Estrada reveals that she and her son Daniel Padilla were extremely worried about her mom and other relatives at the height of Typhoon Yolanda.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/15/2013 8:03 AM
Karla Estrada says son Daniel Padilla was deeply affected during Typhoon Yolanda


111513-Karla_Main.jpgIsa sa mga matinding naapektuhan ng Typhoon Yolanda ay ang lola at iba pang kaanak ni Daniel Padilla. Sa panayam ng Push.com.ph kay Karla Estrada, ang ina ni Daniel, ibinahagi niya ang mga detalye mula sa huli nilang komunikasyon ng kanyang ina hanggang sa nalaman nitong nakaligtas ang nanay at iba pa nilang kaanak.

Ayon kay Karla, “Thursday ng gabi kausap ko na siya. Sabi ko, ‘Ma, ano handa na ba kayo? Handa ba kayo diyan? At napakalakas ng bagyo na ito.Si mama siyempre alam mo naman ang mga waray na ubod kami ng ano, sinalo namin lahat ng katapangan sa mundo. Ang sabi niya, ‘Walang problema marami nang bagyong dumating, relax lang kayo diyan, nakaayos kami at naka-ready kami.’ Actually nagtext siya ng 6:20 AM ng Friday kasagsagan na palakas pa lang yung hangin. Ang text niya sa akin, ‘Day, nilipad na yung bubong ng garahe. Inilipat namin yung sasakyan mo dito sa kabilang garahe.’ Tinawagan ko kasi nag-text, so tinawagan ko wala na, wala nang signal. Tinext ko baka sakali, ang sabi ko, ‘Ma, wala akong pakialam sa sasakyan na yan, huwag niyong intindihin yan, initindihin niyo mga sarili niyo.’ And that’s it! Mga two and a half days, agony of waiting kung ano ang balita kasi blackout ang communication.”

Dahil sa kawalan ng komunikasyon at balita, ibinahagi ni Karla na apektado silang mag-iina lalo na si Daniel. “Hindi siya makapahinga, hindi siya maka-function.”

Dagdag pa niya, kinailangan nilang i-cancel ang isang event ni Daniel sa Davao dahil, kwento ni Karla, kinausap siya ng anak at sinabing, “’Ma hindi ko talaga kaya magpasaya habang hindi natin alam ang nangyayari kina lola.’ Sabi ko, ‘Anak maiintindihan ka naman ng mga fans na naghihintay sa iyo at sige sasabihin ko sa may-ari at gagawin na lang natin next time kapag naging maayos ang lahat.’ Hindi talaga siya naka-function, meron siyang mga trabaho na hindi niya kayang mapuntahan dahil tuliro kaming mag-ina. Bumaba nga siya tinanong niya, ‘Ang lola?’ Sabi ko, ‘Huwag mo akong tanungin.’ Gumaganun na ako kasi nato-torture ka na dahil maya’t maya ang mga anak mo nagtatanong, ‘Mama, ano na sina lola?’ Kasi talagang ano, sabi ko matagpuan ko man silang buhay o patay I still have to be there kaya ako nag-decide nung Sunday na nagbiyahe. Sarado utak ko hindi ako nakikinig sa mga nagsasabi na huwag na akong tumuloy delikado. Yung mga anak mo kawawa naman kung anuman ang mangyari sa iyo. Sarado dahil iniisip ko parang ano ang gagawin ko dito hindi din ako matahimik, hindi din ako makapaghintay.”

Kaya naman nagdesisyon din si Karla na tumuloy sa Tacloban ngunit nang matanggap nito ang balita na buhay ang kanyang ina at mag-anak, sinabi na rin sa kanya ng kanyang tiyuhin na nagbigay ng balitang huwag nang tumuloy. Kaya ang kanyang payo sa tulad niyang naghintay ng balita at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng balita sa kalagayan ng mga kamag-anak na nasalanta ng bagyo, “Para dun sa mga kababayan ko na Waraynon na hanggang ngayon na hindi niyo pa din ma-contact yung family niyo, ako nalaman ko na buhay sina mama pero hindi ko pa nakakausap pero mahalaga sa akin na nalaman kong buhay. Ang ginawa ko hindi ako tumigil sa pagdarasal na sana ligtas sila but at the same time na ipinagdasal ko sa Diyos na bigyan ako ng lakas ng loob harapin kung ano ang madadadtnan ko. Yan ang maipapayo ko sa inyo pagdarasal at lakas ng loob na tanggapin kung anuman ang balita na darating sa kanila.”

Para sa kumpletong balita tungkol kina Karla Estrada, Daniel Padilla at ang buong kwento sa Bagyong Yolanda, tumutok lang sa Buzz ng Bayan, 4 PM ng Linggo pagkatapos ng Luv U.