Gabby Concepcion talks about Paulo Avelino

Gabby Concepcion says he is fine with whoever his daughters date as long as they love each other.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/15/2013 10:55 PM
Gabby Concepcion talks about Paulo Avelino


111613-gabby_main.jpgNaging malaking balita ang pag-amin ni Paulo Avelino na nagde-date sila ng anak ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion. Nang matanong si Gabby tungkol dito, aniya, “Okay lang basta kung sino yung mamahalin mo at magmamahal sa iyo okay sa akin. Importante naman silang dalawa.”

Isa din sa mga naging tanong nang humarap sa press si Gabby ay kung okay lang sa kanya na may anak na ang nagpapakita ng paghanga sa kanyang dalaga. “Basta ang importante dun naipapakita nila yung concern nila sa isa’t-isa at nagmamahalan sila.”

Ibinhagi din in Gabby na sa kanyang nakaraang birthday ay binati siya ni Paulo at nagustuhan ni Gabby ang ginawang ito ng binata sa kanya. “Wala naman pero binati niya ako nung birthday ko. It doesn't matter basta magalang siyang at gusto ko yung mga taong ganun: mabait, magalang, marunong rumespeto.”

Kwinento din ni Gabby na hindi siya masyadong particular na kailangan niyang makilala at makausap ng personal kung sinuman ang nagpapakita ng interes sa kanyang mga dalaga. “No, it doesn't matter. Basta ako, kung magkaibigan sila, magkaibigan sila. I still don’t even know what is going on pero I don’t mind meeting my children’s friends.”

Ngunit sinabi niyang hindi pa nila napag-uusapan ni KC ang tungkol sa kanila ni Paulo, “Hindi, wala pa.”