• Home
  • Fresh Scoops
  • Alessandra de Rossi on pressure to win acting awards: “Huwag na tayo mag-expect dun'

Alessandra de Rossi on pressure to win acting awards: “Huwag na tayo mag-expect dun'

Alessandra de Rossi stars in this year's Cinema One Originals Festival entry 'Woman of the Ruins.'

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/13/2013 7:52 AM
Alessandra de Rossi on pressure to win acting awards: “Huwag na tayo mag-expect dun'


111313-Alex_Main.jpgKnown for taking on complex and dramatic roles in mainstream and independent cinema, Alessandra de Rossi once again headlines another Cinema One Original Festival entry in Woman of the Ruins directed by Keith Sicat. “Ang Woman of the Ruins ay kuwento ng isang isla na binagyo, as in nawasak lahat, na-wipe out lahat ng tao at isa ako sa mga na-wipe out. After seven years bumalik si Maria at wala na siyang maalala. Pinipilit ng mga tao pero wala talaga siyang maalala. So parang kung curse ba yung pagbabalik niya, siyempre hindi niyo malalaman hangga't di niyo napapanuod,” she said.

The 29-year-old actress revealed that the film will show her softer side for a change. “Ito yung talagang malumanay na side ko, makikita nila yung sobrang lumanay, sobrang hinhin, sobrang confused. Kasi most of the time strong yung characters ko eh, sure ako sa ginagawa ko eh. Eto hindi ako sigurado, hindi ako sure kung ito ba yung tamang attack kasi confused nga yung buong character eh so yun yung makikita niyo. At saka inaapi talaga ako dito, sinasaktan, ganun,” she said.

As one of the frontrunners for the Best Actress award (also in the competition is Angelica Panganiban for Adolf Alix, Jr.'s Alamat ni China Doll), Alex said she does not want to think of awards and is just happy that her film came out well. “Huwag na yun, huwag na tayo mag-expect dun. Expectation is the root of all heartache. Wala na sa akin ang pressure, nasa mamimili ng mananalo. Sila ang dapat ma-pressure (laughs). Suwerte naman ako na sa lahat ng movies na ginagawa ko, siguro tama lang na lagi yung mga napipili ko, umiikot talaga sila abroad. So hopefully ito rin kasi ang ganda ng pelikulang ito. From the story to the production design. Para kang nanuod ng isang old Italian film, yun lang,” she said.

Alex said she always tries to choose her indie projects very carefully. “Oo, sala talaga. As in basa muna ng script, ganyan. Kasi siyempre ayaw mo naman gumawa ng basta basta. Gusto mo siyempre maganda lagi yung gawa mo. Para sabihing mahusay, the best ang desisyon mo, tama. Kasi mahirap naman kasi sayang yung path eh. Dapat maganda lahat. Yan naman ang dahilan kung bakit andito pa ako kasi masaya ako pag gumagawa ako ng ganitong klaseng pelikula. Sabi ko nga one day magiging memory na lang ako, siyempre gusto ko naman pag ginoogle yung pangalan ko, magaganda pelikula ko (laughs). Masaya ako na lagi akong naiisip kunin pagka-indie film. Siguro nga bukod sa mainstream na-pe-penetrate ko pa rin somehow ang mainstream kasi mura pa rin ako, hindi mainstream ang hinihingi kong talent fee,” she explained.

Acting-wise, Alex said she does not find it difficult as long as she can understand her characters. “Wala na talaga. Ang nahihirapan lang ako, simula nung nag-start ako hanggang sa ngayon ang pinaka-challenge talaga sa akin ay location, puyat, pagkain, walang CR. Pero in terms of acting, hindi dahil sa alam ko yung ginagawa ko pero kasi ako yung tipo ng tao na nag-pe-prepare or pagkabasa ng script iisipin ko kagad kung paano gagawin ito. Ako si ‘bahala na’ pagdating sa script, kung ano yung maramdaman kong tama, yun na lang yun. Kung ayaw ni direk, eh di na tayo mahihirapan. Pero so far, wala pa namang umayaw. Charot (laughs),” she joked.

In Woman of the Ruins, Alex said the audience will be entertained for sure. “Sinasabi nila this is something new. Gusto niyo horror? Meron kami. Gusto niyo action? Meron kami. Pag-ibig? Meron din kami niyan. So yun yung pinagkaiba namin. Bawat 10 seconds may kaganapan, may nangyayari. At saka actually itong pelikulang ito, isa siya sa mga favorite films ko,” she admitted.

Currently single, Alex said she will find out in Christmas if there is a chance for love. “How’s my heart? Tingnan natin kung makumpleto siya sa pasko (laughs). Baka bubuksan ko palang itong regalo na ito sa pasko. Charot! (laughs). Wala, wala talaga.  Zero. No I'm not dating kasi strict yung parents ko eh charot (laughs),” she joked.

Watch Alessandra de Rossi in Woman of the Ruins at the 9th Cinema One Originals Festival at Glorietta, Trinoma, and Robinson's Galleria from November 11 to 19. For more Kapamilya updates, log on daily to Push.abs-cbn.com and follow Push_Mina on Twitter.