• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos says she won't stop doing teleseryes in place of hosting

Judy Ann Santos says she won't stop doing teleseryes in place of hosting

Judy Ann Santos admits that while she finds hosting very ideal because of the workload, she won't stop teleseryes.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/1/2013 12:11 PM
Judy Ann Santos says she won't stop doing teleseryes in place of hosting


110113-Juday_Main.jpgSa patuloy na mataas na ratings ng bagong game show ni Judy Ann Santos na Bet On Your Baby, nagpapasalamat si Juday sa suportang nakukuha nila para sa programa lalo na sa magagandang sinasabi ng mga tagasubaybay ng nasabing game show. “Siyempre nakakataba ng puso at nakaka-overwhelm ba. Kasi finally natapos na yung stress kung ano ang sasabihin ng tao sa paglabas ng Bet On Your Baby kasi hindi naman talaga ako nagho-host ng game show at hindi naman talaga ako host. Pero I am always willing naman to take a new role pero ito ibang-iba sa talagang ginagawa ko, nakaka-lakas ng loob na pumasok ulit sa Bet On Your Baby and alam mong nagagawa mo yung trabaho mo ng tama.”

Aminado si Juday sa kanyang unang sabak bilang host sa programa Junior MasterChef hanggang sa nasundan ng Pinoy MasterChef na kabado siya dahil bago sa kanya ang pagho-host. Ngunit ngayon na sa pangatlong pagkakataon ay host muli siya ng isang game show. Natanong ekslusibo ng Push.com.ph kung naging kumportable na siya sa kanyang bagong ginagawa at itutuloy-tuloy niya na ang pagho-host. “Hindi ko masabi kasi yung mga hosting jobs naman na binibigay sa akin yung alam ko. Yung MasterChef dahil sa pagluluto, yung Bet On Your Baby dahil mommy ako at babies naman. Tumatanggap ako ng hosting jobs kapag alam kong meron akong alam dun, kapag wala akong alam ayaw ko kasi ayaw ko naman na magmukha akong tanga alam mo yun, yung hindi mo alam ang sasabihin mo, yung nabla-blangko ka na. Kokonti na nga lang yung alam ko kaya dun na lang ako magspe-specialize, sa kung ano na lang ang alam ko ang pinag-uusapan at alam kong gawin.

Ngunit nilinaw ni Juday na hindi ibig sabihin na iiwan niya na ang paggawa ng teleserye. “No naman, no naman. Its just that very convenient lang talaga ang paghohost, yung time, yung energy mo. Pag-uwi mo may konting energy ka pang natitira, may konti pang time for your kids and for your family at saka walang breakdown scenes. Walang walling, walang confrontation scenes, walang samapalan. Yung teleserye will always be a part of me, heart ko yun eh, heart ng pag-aartista ko yun hindi naman yun talagang pwedeng tatalikuran ko na siya. Para ko namang sinabi na tatalikuran ko na yung talento ko talaga. Babalik at babalik pa rin ako pero siyempre kapag may natapos ka na istorya na very successful, gusto mo pumasok sa isang istorya na alam mong mas successful. Kaya nandun kami ngayon, nakaplano sa kung ano ang kayang higitan o tapatan ang Huwag Ka Lang Mawawala.”

At kung may plano ba silang isali din si Lucho, na kanilang bunsong anak na lalaki, sa Bet On Your Baby, “Hindi siya sumali pero nagtry siya ng isang game dun, nagpa-practice kami sa isang taping, enjoy naman niya kaya gustong-gusto niyang sumasama sa work ko kasi ang akala niya yun ang work kasi nae-enjoy niya ang baby dome, may lights, may stage naeenjoy niya yun.”

May mga balita ding lumabas na pagtatapatin ang programa nilang dalawa ng asawang si Ryan Agoncillo sa kabilang istasyon. Kaya naman nang matanong namin kay Juday kung saka-sakaling ipagtapat nga ang kani-kanilang mga programa sa iisang timeslot, “Oo napag-usapan naman namin yan. Basta kapag mataas ang ratings ng show ko, hindi siya mag-iintriga pero kapag mataas ang ratings ng show niya dalawang buwang intriga sa isang buwan ang gagawin niya. Wala naman sa amin yun, win-win naman sa amin ang ganung mga bagay. Even before naman hindi talaga naming—as artists o as professionals—hindi namin ilalagay sa utak namin yung ratings para mas makikinig kami sa sasabihin ng tao, kung ano yung papaggawa ng show sa amin, kung ano ang sasabihin ng network namin. Yes ang ratings malaking bagay talaga pero kapag inisp mo talaga yun kapag inisip namin, or at least sa akin nawawala na yung focus ko sa trabaho kasi iniisip ko na lang kung paano patataasin ang ratings, kung kailangan ko pa ba kumendeng-kendeng. Alam mo yun, nasisira yung diskarte mo. Kami ni Ryan kung pagtapatin man yung show namin kunwari, yung maeenjoy lang namin pareho. Ibig sabihin sa buong timeslot na yun kami ang makikita ng buong tao, the Agoncillo household.”