Carmina Villarroel talks about hosting 'Buzz ng Bayan'

Carmina Villarroel admits she cannot please everybody as a host on 'Buzz ng Bayan.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/1/2013 11:45 PM
Carmina Villarroel talks about hosting 'Buzz ng Bayan'


110213-carmina_main.jpgIsa si Carmina Villarroel na very excited pa rin kahit na naipalabas na ang pilot episode ng pinakabagong talk show ng ABS-CBN, ang Buzz ng Bayan. Aniya, “Sobrang excited, sobrang happy, nakakanerbiyos kasi first time ko makakatrabaho talaga si Tito Boy (Abunda). Looking forward ako sa mga Sundays na makakasama ko siya kasi marami akong matututunan.”

Pagkatapos ng dalawang taon sa Showbiz Inside Report, siya pa rin ang magiging Carmina na mahal ng kanyang mga tagasuporta at tagapanood. “Iba e, nandun pa din yung trademark ko na raw ang mga reaksiyon. Iba at kung bakit siya iba kasi iba yung manner ng pagtatanong, iba rin yung mga makakasama ko kasi this time may mga experts, may mga taumbayan, iba. Hindi ko naman talaga siya pinaplano maging iba, basta si Carmina, yun na lang yun. Yun lang ako.”

At kahit na-ere na ang programa aminado pa rin si Carmina na nakakaramdam pa rin siya ng pressure sa naturang show, “Naprepresure. Nakakapressure pero like I said supportive si Tito Boy at hindi niya ipapa-feel sa iyo na ‘King Of Talk ako, sino ka ba?’ Walang ganun, parang sinasabi niya this is our show, I want you to shine. Talagang before [the] pilot, nagbonding pa kami, may mga inputs pa siya so alam mong very hands on siya. Ang sarap ng ganung katrabaho kasi sa tagal niya dito sa industriya na alam mong pwedeng petiks na lang siya pero hindi e, makikita mo na very hardworing kaya ikaw napapagaya ka sa kanya. Although ganun naman ako to begin with pero napapagaya ka sa kanya, at ang dami mong natututunan sa kanya just by listening to him. Ang galing, ang galing, basta nakaka-amaze. Mas nakakaexcite more than nakakapressure. 

Iba’t-iba din ang reaksiyon ng mga manonood, una sa pagpasok nila ni Janice de Belen sa Buzz ng Bayan. “Siyempre nirerespeto ko naman sila. Ako naman ever since ang lagi kong iniisip you cannot please everybody. Siyempre may mga iba na mafi-feel nila na pinalitan namin, yung iba mas gusto sila [former hosts Toni Gonzaga and Charlene Gonzales] more than us. Pero I respect that, nirerespeto ko sila kasi opinyon nila yun pero hindi ako hurt. Kung ganun naman mas marami pa ring excited, mas marami pa ring naglo-look forward, mas maraming kumbaga, mas maraming masaya for me so dun na lang ako magde-dwell, hindi dun sa medyo malungkot.”