Isang taon na ang nakakaraan nang natapos ang pelikulang ito kaya naman nagsalita din si Echo kung bakit napatagal ang pagpapalabas ng pelikulang ito sa bansa. “Natapos namin yung movie last year and then siguro mga isang taon kaming lumibot bago namin pinalabas dito. Pinili talaga namin na maghintay muna ng tamang panahon bago ito ipalabas.”
Aminado naman si Echo, bilang isa din sa nag-produce ng pelikulang ito, na nabawi na rin nila ang kanilang pinuhunan ngunit umaasang malaki pa din ang ipakitang suporta ng mga Pilipino sa pelikulang sariling-atin. “Sa ibang bansa siguro in terms of promotion and the awards, if we are talking about monetary value meron na siyang claim, may balik. For now dito sa Pilipinas of course we are hoping na kumita yung pelikula di ba? Pero malaking sorpresa sa akin na maipalabas namin sa mainstream cinemas itong pelikula namin kasi ang alam ko talaga dito for indie festival. Hindi ko talaga inexpect na… pinangarap ko pero hindi ko inasahan ng husto na ilalabas sa mga commercial theater dito sa atin. But after the awards, even the cast event sa States na attended by Jada Pinkett-Smith, sila Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls, nakita namin na, ‘Uy, meron itong international appeal dapat makita ito ng mga kababayan namin,’ parang ganun.”
Ibinahagi din ni Jericho ang reaksiyon ng mga taga-ibang bansa sa kanilang pelikula. “It’s a powerful film, must-see, brilliant chemistry. Sa mga critics ito sa The Hollywood Reporter, sa kung saan-san e all praises sila kay Direk Ian Laureno, sa production ng film. At one question ang yun bang pagkaindie nito. Kasi I think being indie, yung pagkakaproduce niya bilang indie perfect siya sa tema ng istorya kasi kung ginawa siyang glossy, hindi siya babagay dun sa pelikula so I think it was perfect the way it is right now.”
Sa ngayon may persepsyon pa rin na hirap pa rin ang karamihan ng mga Pilipinong manonood sa mga pelikulang hindi komersyal at indie o kakaiba sa nakasanayan ang tema ng pagkakaggawa. Kaya naman nang matanong si Jericho na hindi ba siya natatakot sa maging pagtanggap ng mga Pilipinong manonood sa kanyang pelikula, “I don’t want to, ayaw ko i-underestimate ang appreciation ng Filipino audience because alam ko na ang Filipino audience ay mahilig sa pelikulang may puso at may kabuluhan. At itong pelikula na ito dapat makita ng mga magulang, maakita ng mga bata, makita ng bawat isang Pilipino dahil hindi lang ito sabihin natin na nakakatakot na tulad ng human trafficking tungkol ito sa relasyon ng mag-ama. You have to see Bugoy (Cariño) sa big screen because napakagaling niya sa pelikulang ito. Yung chemistry na inestablish naming dalawa, it’s very heartwarming. You’ll laugh, you’ll cry and at the same time maho-hook ka sa story. I don’t want to underestimate the appreciation of the Filipino audience dahil alam ko na magugustuhan nila ito.”