• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya All-Star Weekend is jam-packed with action and fun

Kapamilya All-Star Weekend is jam-packed with action and fun

Sa ulat ni Gretchen Fullido sa “Star Patrol,” jam-packed sa action ang Kapamilya All Star Weekend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/8/2013 7:10 AM
Kapamilya All-Star Weekend is jam-packed with action and fun


100813-One-Run_Main.jpgSa ulat ni Gretchen Fullido sa “Star Patrol,” jam-packed sa action ang Kapamilya All Star Weekend. Sa One Run, One Philippines masayang nakitakbo sina Kim Chiu, Xian Lim, Jason Abalos, Joem Bascon, Paul Jake Castillo, Maja Salvador, Arron Villaflor pati na rin si Jake Cuenca sa America.

Sa basketball, bakbakan sa hard court ang red team nina Gerald Anderson at green team ni Jhong Hilario sa Big Dome. Nagtagisan sa pagshoot sina Daniel Padilla Enrique Gil at JC De Vera kalaban sina Xian Lim, Billy Crawford at Vhong Navarro. Sa huli tinambakan ng red team ang green team sa score na 58-34.

Tuwang tuwa naman ang cheer leader ng MVP na si Zanjoe Marudo na si Bea Alonzo. “Masaya kasi isa siyang malaking festival para sa akin, isa siyang malaking reunion.” 

Mas intense naman ang naging bakbakan sa Marikina Sports Complex sa larong volleyball. Ang green team ay pinangunahan nila Vice Ganda, Kim Chiu kasama si Gretchen Ho ng Ateneo. Kabilang naman sa red team sila Chokoleit, Julia Barretto at Michelle Gumabao ng La Salle.

Mula simula dikit ang laban na umabot na sa third set, nag-champion ang red team at tinanghal na MVP si Julia.