• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola talks about the different men being linked to her

Jessy Mendiola talks about the different men being linked to her

Jessy Mendiola speaks up about the men who have been linked to her romantically.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/4/2013 10:32 AM
Jessy Mendiola talks about the different men being linked to her


100413jessi-main.jpgSa nalalapit na pagpapalabas ng teleseryeng Maria Mercedes, muling nagsalita si Jessy Mendiola tungkol sa mga lalaking naiugnay at naiuugnay sa kanya. Una na rito ay ang kasama niya sa nasabing teleserye na si Jake Cuenca na very vocal sa kanyang nararamdaman kay Jessy. Ngunit aminado man si Jake sa kanyang nararamdam kay Jessy, aminado ang aktor na hindi niya gawain ang manligaw. Nang kunin ng reaksiyon ni Jessy tungkol ditto, aniya, “May edge siguro dahil lagi ko siyang kasama. Iba kasi si Jake eh siguro iba siya manligaw. Aminin naman natin Jake is Jake Cuenca. Kapag naririnig mo yan, angas confidence, siguro di pa siya sanay sa ganung klaseng panliligaw pero iba yung dating niya sa mga babae eh.”

At sa pagkakataong ito, natanong na rin si Jessy kung kamusta ang panliligaw sa kanya ni Sam Milby, “Consistent naman, sweet si Sam.” Aminado si Jessy na crush niya si Sam Milby noon pa man kaya naman nang tanungin ang dalaga kung ano ba ang pakiramdam na maligawan ng taong hinahangaan mo rin, “Siyempre kinikilig din naman ako. Sobrang bait niya. Yun nga sinasabi nila sino pipiliin mo pwede bang wait lang. Pwedeng let’s take things one step at a time.”

Sa mga lalaking naiuugnay ngayon kay Jessy, napapabalita ang diumano’y panghihinayang ni Matteo Guidicelli ngayon kay Jessy na naging bukas sa pagmamahal sa binata. Kaya naman ng matanong si Jessy tungkol dito, “Wala naman siguro bakit naman siya manghihinayang? Masaya ako ngayon nasa punto ako ng buhay ko na nagtatanggap ako ng blessings pero in a way I give it back also by doing my best in everything I’ve been doing right now. I’m really flattered na tinatanong niyo sakin na nanliligaw si ganito si ganyan. Sa totoo lang sa isang tao napakasarap ng feeling that you are being admired by many and it’s the first time I felt like this and I feel really happy I feel really confident with myself.”
Naging bukas man si Jessy sa naramdaman niya kay Matteo noon at ang sakit na kanyang naramdaman, sinabi niyang hindi siya nanghihinayang sa kinahinatnan nilang dalawa. Aniya, “Sa akin kasi hindi yun sa panghihinayang, hindi yun sa pagudlot, it’s just things happen for a reason and I believe that kaya yun nangyari kasi ito yung kapalit and right now, yung blessing na ito na masaya ako and I’m very very happy.”

Bago pa man ang lahat ng mga lalaking naiugnay sa kanya, si JM de Guzman ang unang lalaking sa showbiz na nakarelasyon ni Jessy. At ngayong natanong na rin si JM kay Jessy, “Ang huling balita ko sa kanya yung birthday niya last September 9, nanghingi sa akin ng message yung family niya for him and yun nga ang masasabi ko lang kay JM, maraming nagaabang sa pagbabalik niya. Yun lang masasabi ko and I’m very, very sure na pag bumalik siya it’s going to be as double as before.”