• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 2

Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 2

Heartthrobs Enrique Gil, Khalil Ramos and Matteo Guidicelli reveal their encounters with unexplained supernatural occurrences.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/31/2013 8:15 AM
Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 2


103113-Horror_Main.jpgAminado si Enrique Gil na mahilig siya sa mga horror movies ngunit hindi niya inaasahan na siya mismo ay makararanas ng nakakapangilabot na bagay tulad sa mga pinapanood niyang pelikula. “Mahilig kasi ako sa horror stuff kasi e, sa mga scary stuff, movies… Sobrang hilig ko. Like yung mga Chuckie doll meron ako, seryoso, sa kwarto ko [merong doll]. As in sobrang mahilig ako sa scary things. One day after taping ng Princess and I pauwi ako nun. Yung kapatid ko si Javy—yung kuya ko—he was at home e sa tapat ng bahay as in sa street lang may table [nandun] barkada niya, mga friends ko din. So sabi ko, ‘Sige, I’m on the way on the way home na rin.’ So pagdating ko—madilim kasi sa labas ng bahay—so [there] we were. So pagdating ko, I sat down and we started to talk about scary stuff. When we were talking about that scary stuff, I showed them a video sa phone ko, yung Exorcism of Emily Rose, have you seen that? Yung real video sa YouTube, yung totoong pictures niya. I was showing it [nang] biglang nag-hang yung phone ko. Heto na, nung nag-hang yung phone ko sabi ko, ‘Teka lang, teka lang, nag-hang yung phone ko.’ So I was the only one sitting here [at the part of the table] the rest were sitting in front of me. E yung tapat ng bahay naming, abandoned house. As in wala nang bubong, abandoned na talaga which is puro grass lang. May puno dun, I grew up there, nothing really strange. That day talaga, that time, so nung nag-hang [ang phone] sabi kong ganun, I saw a light. Parang siyang… sa taas ng puno di ba, somewhere here lang. Heto yung puno, dito parang may orb, I think it’s St. Elmo’s Fire. Have you heard about that? I think yun e. It was here at nandito yung table namin so I was seated here the rest were here. So I was looking at the phone they weren’t even looking there. Pero parang I just saw a beam of light, parang orange, so napatingin ako, nung tumingin ako wala na. When I looked at them everyone was also looking there. So akala ko di ba parang may light na dumaan? So pagtingin ko lahat sila nakatingin e ako nakatingin so they saw it, it was like an orb, like a light, like a circle then it just vanished. Then my brother who was there, he stood up pinapagalitan ako. Kasi nga, ‘Will you stop searching those stuff, you are attracting it. Will you stop it na nga, stop showing it.’ Nagdasal kami and I got so pissed, and we got so mad yun yung na-experience ko.”

Hindi rin makakalimutan ni Matteo Guidicelli ang kanyang naranasan sa kanyang bagong biling sasakyan nang magpalitrato siya sa loob nito. “I have a dream car, this Range Rover. [I was with] my Uncle and I was inside [the car]. He was going to buy it. I went inside, sat down and then my friend took a picture. And then the next day, actually Kim (Chiu) and Maja (Salvador), saw it then before. And then there is a girl beside me, in the Range Rover, there was a girl beside me, like burnt, burnt ang itsura. Brand new, hindi naman alam. I had to show it to the priest kasi hindi ako makatulog for two weeks. I was so paranoid, so I had to offer mass, I couldn’t sleep. So my uncle brought it back, he returned it.”

At ang makapanindig-balahibong istorya ni Khalil Ramos sa kanilang dating tinitirhan, “Our house before was definitely haunted. Before talaga meron. Minsan kasi, pagka ako, kapag fresh air lang nakabukas yung bintana. Minsan naririnig mo may nagwawalis, 3 am na pero may nagwawalis, tapos kumakatok. Merong one time kumakatok tapos kinakalmot yung pinto kasi the pinto is painted so kinakalmot yung paint. Alam mo yung when you rub yung palms over paint na medyo bago-bago pa, yung screeching sound merong ganun, kumakatok tapos nago-on yung aircon, nago-on yung ilaw mga ganun lang. Pero never ako nakakita pero nakasanayan na rin namin sa house namin.”

Dagdag pa ni Khalil, “Si mommy never naman naniniwala kaya ayaw niya yung magpa-investigate pa or something. Yung PA ko marami, yung PA ko ang nakakita. May bumubulong sa PA ko na voice daw ng lalaki tapos yung PA ko may kasabay na manamalamin. If ever merong spirit sa bahay na yun, mabait siguro. Kasi yung PA ko, sabi mabait daw na bata.

“Yung pinaka-scary na tinawag ko talaga yung mom ko, was around two years ago. Yung nakabukas yung windows ko tapos electric fan lang, may naririnig ako nagwawalis e ako typical na nagvivideo games pa, e 3 na yun, tapos may gust of wind bigla. Tapos nagtago ako sa ilalim ng blanket tapos marami nang ingay. Tapos nag-slam yung windows pasara, yun na yung tinawag ko mom ko. In-on ko yung ilaw tapos nawala na. Yun yung worst ever.”