• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 1

Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 1

Angeline Quinto, Nyoy Volante, and Arron Villaflor reveal why they believe that ghosts and other unexplained supernatural occurrences exist.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/30/2013 9:55 AM
Kapamilya Stars share their horror and scary stories, part 1


103013-Horror_Main.jpgDahil sa nalalapit na All Souls Day, ibinahagi ng ilang mga artista ang kanilang mga hindi makakalimutang karanasan na nakapagpataas ng kanilang mga balahibo at nagbigay ng takot sa kanila.

Noong nakaraang buwan ay namayapa ang ama ni Angeline Quinto. Ibinhagi ni Angeline na kahit namayapa na ay hindi pa rin sila iniiwan ng kanilang ama. Aniya, “Kakalibing lang ni papa ko tapos, nakatamabay yung kapatid ko at ako sa bahay namin ni papa sa Las Piñas. So yun picture-picture yung kapatid ko. Picture na cellphone, selfie, siya lang mag-isa, tapos sa pang-apat na shot niya nasa likod si father. As in kitang-kita mo yung katawan ni Father kung saan siya lagi nakaupo. Kita sa cellphone ng kapatid kong bunso. Akala ko naman binibiro lang ako. tapos yun. [Si papa…] may katawan, kita mo yung katawan, na nakaupo sabi ng kapatid ko. Nasa kapatid ko yung picture sa cellphone niya. Kasi madalas di ba kapag ganun anino lang, yung kanya kasi katawan, kung paano siya umupo talaga. Ang papa ko kasi kapag umupo laging naka-de kwatro at nakaganyan ang kamay (Nakapatong ang kamay sa tuhod) ganyan na ganyan pero walang face pero buo ang katawan.” Aminadong kinilabutan man, mas nakumpirma ni Angeline sa sarili na naroon at binabantayan sila ng ama.

Sa ASAP Sessionista namang si Nyoy Volante, may isang matandang lalaking biglang lumabas na nakaupo ng matagal sa likod ng sasakyan niya habang nagmamaneho siya sa kahabaan ng service road sa Makati. Ang kanyang paglalahad, “One time lang while driving sa Makati pagtingin ko sa rearview mirror ko may nakaupo. Sa kotse ko mismo habang nagdra-drive, sa may Manila Pen sa may service road sa gilid na may mga buildings, yung makitid na road na yun at matagal. Hindi siya malikmata kasi kapag malikmata sandali e, tapos mawawla di ba? Yung chineck ko talaga tinignan ko. Mag-isa lang ako, chineck ko siya talagang nandun siya, kasi ang malikmata parang imagination mo lang kasi diba kapag nag-ilaw may shadow tapos wala na. Kapag tinignan mo wala na. Ito hindi, buong road nandun siya. Tao lang, parang mamang nakasakay sa jeep. Nagdalawang isip ako kasi merong ding part sa akin na feeling multo, pero hindi pumasok sa akin, kasi tao talaga hindi nakakatakot kasi walang dugo walang ano. Taong nakaupo nakatingin siya sa akin pero hindi sa mirror, sa upuan ko. Nakaupo siya dun tinignan ko pa pero hindi ako tumingin sa likod tapos yun binaba ko pa yung mirror chineck ko pa tapos binalik ko nandiyan pa din siya. Hinid ako makakareact, siguro a minute din e na yung biyahe na nandun siya. Tapos nung pagliko ko wala na siya dun ako natakot.

Maging si Arron Villaflor ay may hindi rin makakalimutang pangyayari noong bata pa siya sa Tarlac. Aniya, “Kung hindi ako nagkakamali, nung elementary pa ako, tama, elementary days, sa bahay namin sa Tarlac, meron kaming basketball court sa likod. Meron bundok yun, at yung bundok na yun, may cross, may crucifix na maliit na nilulumot. So, every time na dumadaan ako dun nakakapangilabot tapos nasanay ako. Then nangyari itong isang gabi na ito naghatid kami ng pagkain sa tito ko, may court dun, kita namin may nagjojogging, naglalakad, nakabaston, all white. Ang sabi ko, ‘Ang sipag naman nito.’ Lalaki. Then ang nangyari may pagitan lang ng talahib, parang nag-cover-up lang sa kanya pagkalagpas namin ng talahib wala na yung lalaki. Kami lang dalawa ni kuya ko so ang nangyari takbuhan kaming dalawa ng kuya ko. Hindi na namin inisip ang bawat isa sa amin, tumakbo na lang talaga na nahulog na yung mga dala namin. Pinag-usapan na lang namin nung dumating kami sa bahay.”

Hindi man nakakakita, aminado si Arron na nakakaramdam talaga siya kapag may presensiya “Ako nakakaramdam ako e, once lang ako nakakakita pero yung ramdam na once na pumunta ako sa isang lugar o sa isang lugar na sa tingin mo alanganin, o may kwento o lumang lugar o haunted house o haunted area nararamdaman ko e. Tumatas ang balahibo ko.”