• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariel Rivera admits he felt awkward with Jessy Mendiola in 'Maria Mercedes'

Ariel Rivera admits he felt awkward with Jessy Mendiola in 'Maria Mercedes'

Because of the 26 years age difference, Ariel Rivera admits he felt uncomfortable in his role as the husband of Jessy Mendiola in 'Maria Mercedes.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/24/2013 7:29 AM
Ariel Rivera admits he felt awkward with Jessy Mendiola in 'Maria Mercedes'


102413-Ariel_Main.jpgSa launch ng pinakabagong facial care for men ng isang beauty clinic, inamin ni Ariel Rivera na noong tinanggap niya ang proyekto, hindi niya alam na gaganap siya bilang asawa ni Jessy Mendiola sa seryeng Maria Mercedes. Ang asawa niya pang si Gelli de Belen mismo ang nagbigay ng description patungkol sa kanyang magiging asawa sa telebisyon.

Kwento ni Ariel sa naging reaksiyon ni Gelli, “Natawa siya. Kasi sabi niya, ‘Ikaw ang magiging asawa ni ano?’ Kasi I told her. ‘[Sabi niya] sino ka?’ ‘Ako si Santiago.’ Tapos sabi niya ‘Santiago?’—sa text pa lang ito ha—‘Ako daw si Santiago sa Maria Mercedes.Tapos, ‘Wait, siya yung magiging asawa ni Maria Mercedes?’ Tapos ang nasabi ko pa sa kanya Justin Mendiola. Siya pa nagsabi na baka Jessy Mendiola. ‘OMG honey, para na siyang si Igi, yung anak ni Janice. I said, ‘What? Talaga? OMG!’ Sabi ko, ‘Oh no!’” 

Ayon kay Ariel, maswerte siya na hindi siya nililimitahan ng asawa sa kung ano dapat gampanan sa isang proyekto. “I am lucky that she works in the same industry and she knows naman there are limitations naman talaga sa teleserye and we have always been conscious kaming dalawa in what we do kasi in the long run what you do in there is there for life so you know you just have to be conscious on what you do.”

Ibinahagi din niya maging ang reaksiyon ng kanyang mga kaibigan ng malaman nilang makakapareha niya si Jessy. “I play a lot of golf so yung mga kabatch ko ka-edad ko so sinasabi nila, hindi ko sinasabi yung project ko. Last week nilabas yung teaser ng Maria Mercedes.Pare, kasama mo pala si Jessy Mendiola sa Maria Mercedes?‘Ah yeah, yeah’ ‘So ano ka dun? Tatay ka niya?’ ‘Oo Tatay niya.’ Kasi alam ko na mangyayari na kapag hindi, asawa niya ako, puro kantyawan na naman yun. Tatawagin nila akong DOM. I’ll let them discover themselves so ang alam nila ako yung magiging tatay ni Maria Mercedes so as it was tinutukso na nga nila ako. Sinasabi na nga nila, ‘Paano mo magiging anak yun e ang puti-puti nun?’”

Ngunit may isang naging pag-amin si Ariel patungkol kay Jessy, dala na rin ng laki ng agwat ng kanilang edad. “I felt awkward but I’m sure she is twice as uncomfortable as me. When she looks at me I am sure mas matanda pa ako sa tatay niya so she is only 21.” Ngunit sa lahat ng ito ayon kay Ariel, “Whatever work I am handed, I am always focused I give my 100%.”