• Home
  • Fresh Scoops
  • Arron Villaflor admits he got scared about 'Juan dela Cruz' ending

Arron Villaflor admits he got scared about 'Juan dela Cruz' ending

Although worried about the end of 'Juan dela Cruz', Arron Villaflor knows he did his best to portray an effective role.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/23/2013 7:55 AM
Arron Villaflor admits he got scared about 'Juan dela Cruz' ending


102313-Arron_Main.jpgSa huling linggo ng Juan dela Cruz, isa si Arron Villaflor na nalungkot nang nalaman niyang matatapos na ang seryeng tumatak sa Primetime. Hindi lang dahil sa mga karakter na kanilang ginampanan na napamahal na sa kanila kung di ang nabuong magandang samahan nila habang ginagawa ang serye.

Malungkot. Hindi kasi alam naman nila yun e napakabonded na namin sa isa’t isa kesa sa yung nakikita nila sa TV na magkaaway si Kael at si Juan pero offcam para na kaming magkapatid niyan ni Kuya (Coco Martin). Kaya sa mga eksena hindi kami nahihirapan, heto nga naiiyak ako kasi grabe talaga. Napamahal na kami sa isa’t isa saka naging open na kami maging sa personal life namin nagsa-share kami.”

At siniguro nilang hindi sa Juan Dela Cruz matatapos ang kanilang pagkakaibigan. “Oo naman kahit tapos na sa Juan dela Cruz ayan may mga plano kaming mag-KTV sama-sama ulit. We make sure na minsan ginagawa namin maaga kami natatapos sa set, dumidiretso kami sa gimik.”

Marami na ring mga ginampanang roles sa pelikula at telebisyon si Arron pero para sa kanya ang seryeng ito ang pinakamalaking break na naibigay sa kanya. “Oo naman, grabe. Isa, I mean, ito ang pinakamalaking break na binigay sa akin ng ABS-CBN, ng Dreamscape, kaya laking pasasalamat ko talaga, sobrang thankful ako na kasama ko mga beteranong aktor at nagtiwala sila sa character ko kasi nakakatawa dahil maganda daw yung kinalabasan na, effective daw ako. Maraming naiinis, maraming nagagalit kay Kael.”

Kwento din ni Arron na naging kumprtable na rin siyang gumanap ng mga kontrabida roles. Aniya, “Well, nage-enjoy akong mang-asar, mang-inis, mang-saway. Hindi ko naman narealize na dito ako darating sa kontrabida kasi before maamo yung mukha ko, mabait. Pero nakita nila si Arron na kontrabida na ito ba ang normal na si Arron kapag nagagalit siya? Minsan may tanong na ganun e, itong nakikita ba namin siya ito? Kasi sinasabi nila kapag tahimik mas matindi, mas nakakatakot.” 

Aminado si Arron na nangangamba siya kung kailan at ano muli ang proyektong maibibigay sa kanya ngayong magtatapos na nga ang nasabing serye. “Nandun yung takot e. Kasi di ba parang matatapos na anong gagawin ko? Parang anong susunod para sa akin after this nandun pero ako naman ayaw ko na lang isipin. Basta tiwala lang saka sa ginawa ko napatunayan ko yung sarili ko sa mga tao. Grabe tumatak ang character ko sa kanila at grabe yung naging affection ko sa kanila, napaka-solid. Kilalang-kilala na nila yung character ko.” Ngunit sa lahat ng ito, “Ako naman I always pray na, ‘God kayo na ang bahala sa akin I will just do my best, I will just do my work. Kayo na ang bahala sa akin kung saan niyo ako dadalhin.”

Sa ngayon ay may nakarating na kay Arron na gagawin niyang pelikula kasama si Pokwang at Jessy Mendiola. “Meron akong naririnig under Skylight, Pokwang, Jessy, magiging older brother ako ni Jessy dun. Pero hindi ko pa alam ang tatakbuhin ng character ko dun. Well I guess isang blessing na naman yun so sana after JDC mabigyan ulit ako ng Dreamscape ng teleserye nila Sir Deo (Endrinal) kasi ang tagal ko na din silang di nakasama. Ang last project ko sa kanila before JDC, Pedro Penduko pa, 14 years old pa lang ako nun. So dahil inaalagaan nila ako at minahal nila ako pinagdadasal ko na Lord bigyan niyo ako ng project after JDC. Sisiguraduhin ko sa inyong hinid kayo mapapahiya.”